PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 HALLOWEEN: KUWENTONG KATATAKUTAN, KATUWAAN AT KABANALAN.

A Gospel Reflection on the Solemnity of All Saints, Sunday, November 1, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Alam ninyo tuwing sumasapit ang ganitong araw, ARAW NG UNDAS o TODOS LOS SANTOS, ay nag-iiba ang mga tema na ating napapanood sa telebisyon o mga nakikita natin sa ating kapaligiran. Isa na rito ay ang HALLOWEEN PARTY.

Kapag isinasagawa ang Halloween Party, ang eksena ay katatakutan.

Nandiyan ang mga nakasuot na mga nakakatakot na costume, maskara, headban na may sungay at iba pa.

Ang ganitong tradisyon ay namana natin sa mga amerikano.

Ginagawa natin ang mga ito ay sapagkat ito ay KATUWAAN lamang.

KATUWAAN NA KUNG SAAN SA MGA GANITONG PANAHON AY dito naglalabasan ang mga nakakatakot na character.

SINU-SINO BA ANG MGA HALLOWEEN CHARACTER?

Aswang, Manananggal, tikbalang, halimaw, lobo, drakula, bampira, demonyo at iba pa.

NATUTUWA tayo sa mga character na ito.

Kaya kapag naririnig natin ang salitang HALLOWEEN,

nakatanim na sa isip natin ang KATATAKUTAN at KATUWAAN.

Sa Ebanghelyong  (Matthew 5:1-12)  binasa sa araw na ito ng Linggo ng Todos los Santos, Nobyembre 1, 2015, ay isang kwentong KABANALAN.

ANG HALLOWEEN AY HINDI LAMANG KWENTONG KATATAKUTAN AT KATUWAAN,

KUNDI ITO AY KWENTONG KABANALAN.

Ginaganap ang Halloween tuwing Oktubre 31.

Ang ibig sabihin ng HALLOWEEN ay HOLY EVE o HOLY NIGHT.

Kumbaga ito ay bisperas ng pagdiriwang natin sa kapistahan ng lahat ng mga banal.

Kaya nga ang simbahan natin ngayon ay nagsasagawa din ng HALLOWEEN PARADE,

HINDI PARADA NG MGA KATATAKUTAN kundi PARADA NG MGA BANAL.

At dito ipinapakilala kung sino ang mga santong ito at ano ang kanilang talambuhay.

ANG MGA SANTO AY MODELO NATIN SA ATING KABANALAN AT MGA KAIBIGAN NG ATING PANGINOON.

Kaya kapag tayo ay nagdarasal sa Panginoon ay lumalapit tayo sa mga banal.

Sa madaling salita, MABILIS ANG ATING DASAL SA PANGINOON SAPAGKAT IPINAGDARASAL TAYO NG LAHAT NG MGA SANTO.