PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 MOTIBO NG PAGBIBIGAY.

A Gospel Reflection on the 32ndSunday in Ordinary time, November 8, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Nitong nakaraang Oktubre 1 hanggang 11, 2015, pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng ating MAHAL NA INA NG ROSARYO NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church, ako ay abala hindi lamang sa LA NAVAL Festivities gaya ng Enthronement, Novena Masses, Besa Manto at Prusisyon. Ako ay abala din sa pagbebenta ng mga stampita ng LA NAVAL. Sa loob ng dakilang pagdiriwang ng LA NAVAL Festivities ay sunud-sunod ang dating sa akin ng mga kliyente, ang mga kliyente ko ay walang iba kundi ang mga deboto ng LA NAVAL. Sunud-sunod ang pasok sa akin ng pera, at ang hindi ko makakalimutan dito ay ang isa kong kaibigan na bumili sa akin ng 20 piraso ng LA NAVAL stampita. Bumili siya ng 20 piraso ng LA NAVAL stampita at nagbayad sa akin ng P100. Nung gabi na iyon ay siya na ang pumakyaw at nakaubos ng mga natitira kong LA NAVAL stampita. Nung pagkabili niya sa akin ng LA NAVAL stampita, akala ko bibilhin niya ito para sa kanya o gagamitin ito sa kanyang apostolate. Hindi ko akalain na ang kaibigan kong ito, yung binili niyang 20 piraso na LA NAVAL stampita ay para sa mga dukha. Binigyan niya ako ng instruction at inutos niya sa akin na ibigay ko na lamang ito sa mga dukha. Ginawa ko ang sinabi niya  niya, pinamigay ko ito sa mga dukha na nakapaligid sa Santo Domingo Church, yung mga side walk vendors, sampaguita vendor, parker boys, security guard, maintenance staff at pulubi.

BAKIT NAGAWA ITO NG KAIBIGAN KO?

NAGAWA NIYA ITO AY SAPAGKAT IBINABALIK LAMANG NIYA ANG MGA BIYAYANG NATATANGGAP NIYA.

Ito ang itinuturo sa atin ng Ebanghelyong  (Mark 12:38-44)  binasa natin ngayong araw na ito ng 32nd Sunday in Ordinary time, November 8, 2015, ang babaing balo ay nagbigay ng buo niyang ikinabubuhay.

IBINIGAY NIYA ANG LAHAT-LAHAT NA HALOS WALANG ITINIRA PARA SA SARILI NIYA.

ANO ANG IPINAIRAL NG BABAING ITO?

PINAIRAL NIYA ANG KANYANG PANANAMPALATAYA SA DIYOS,

NANINIWALA SIYA NA KAPAG IBINIGAY NIYA ANG LAHAT SA DIYOS AY MALAKING GANTIMPALA ANG BABALIK SA KANYA.

Ito sana dapat ang pananaw natin ngayon. 

KAPAG TAYO AY NAGBIBIGAY,

DAPAT BUKAL SA ATING PUSO,

HINDI TAYO DAPAT NAGREREKLAMO.

MAY ILAN SA INYO KAPAG HINIHINGIAN KAYO NG PERA, 

BAGO KAYONG MAGBIGAY NG PERA AY MARAMI PA KAYONG SINASABI!

MARAMI PA KAYONG MGA CHE CHE BURECHE BAGO KAYONG MAGBIGAY!

KUNG KAYO AY MAGBIBIGAY NG PERA SA IBA LALO NA SA MGA TAONG HUMIHINGI SA INYO NG TULONG AY HUWAG NA KAYONG MAGREKLAMO!

IBIGAY NINYO KUNG ANO ANG MERON KAYO.

KAPAG GINAWA NINYO ITO AY MALAKING BIYAYA ANG BABALIK SA INYO.

Tandaan ninyo,

KAYA KAYO BINIGYAN NG DIYOS NG TRABAHO, NEGOSYO AT HIGIT SA LAHAT,

ANG MARAMING PERA AY PARA KAYO ANG MAGING DALUYAN NG BIYAYA NG DIYOS.

NAGBIBIGAY KAYO AY SAPAGKAT IBINABALIK NINYO SA DIYOS ANG MGA BIYAYANG NATATANGGAP NINYO.