PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

SA TAMANG PANAHON.

A Gospel Reflection on the 33rd Sunday in Ordinary time, November 15, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

 

Marahil lahat tayo ay nanonood ng Eat Bulaga. Isa sa pinakaabangan natin sa nasabing noontime show ay ang KALYE SERYE na kinatatampukan nina Alden Richards at Maine Tolentino na mas kilalang YAYA DUB. Ang Seryeng ito ay kung saan tayo ay KINIKILIG sa kanilang tambalan at ipinapakita ang tamang pamamaraan ng panliligaw. Ang kagandahan pa nito, ang mga matatanda na pinamumunuan ni Lola Nidora ay nagtuturo ng mga christian at moral values. Kahit sa ganung eksena ay hindi pa rin nila nakakalimutan na dapat ituro sa mga manonood ang mga christian at moral values. Ilang buwan na natin silang napapanood sa telebisyon na hindi sila nagkikita ng personal at malapitan, ngunit dumating ang TAMANG PANAHON na kamakailan lang ay napanood natin ang kanilang pagtatagpo at pagkikita ng personal at malapitan. Bago dumating ang TAMANG PANAHONG ito ay dumaan muna sa isang matinding hamon si Alden at ito ay nalampasan niya. Alam ninyo ang eksena ng kalye serye ay maihahalintulad sa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP na kung saan ay ipinahihiwatig nito na ang buhay ay laging may hamon at ito ay malalampasan at mapagtatagumpayan. Kinakailangan dito ay magkaroon tayo ng pasensya.

Bago ko ituloy ang ating pagninilay ngayon ay nais ko munang ibahagi sa inyo ang awit na ito na kung saan ay ipinahihiwatig nito na ang relasyon ay hindi minamadali, ito ay pinaghihirapan na may kalakip ng pagpapasensya.

PAGPAPASENSYA ang ipinahihiwatig sa atin ng awit na ito,

PAGPAPASENSYA ang mensaheng nais ipahiwatig sa atin ng kalye serye,

PAGPAPASENSYA ang dapat mamayani sa relasyon,

PAGPAPASENSYA ang laging umiral sa gitna ng mga hamon sa buhay.

Ang lahat ng mga pinaghihirapan natin ay may hangganan at magandang kapalit.

MAGTATAGUMPAY TAYO,

MATUTUPAD ANG ATING MGA PLANO SA BUHAY.

Ito ay magaganap sa TAMANG PANAHON.

Ito ang nilalaman ng Ebanghelyong  (Mark 13:24-32)  ating binasa sa araw na ito ng 33rd Sunday in Ordinary time, November 15, 2015, Sa panahong ito tayo ay nakakaranas ng mga kahirapan o kapighatian sa buhay.

Ngunit ang mga ito ay MAY HANGGANAN,

MAY KATAPUSAN ANG ATING MGA PAGHIHIRAP.

At ang magandang kapalit ng mga ito ay ang pagdating sa atin ng biyaya ng Diyos.

ANG BIYAYANG ITO AY ANG MULING PAGBABALIK NI KRISTO SA KATAPUSAN NG MUNDO.

SI HESUS AY MULING MAGBABALIK SA MUNDONG ITO SA TAMANG PANAHON.

SA MULING PAGBABALIK NI KRISTO,

TAYO AY ISASAMA NIYA SA KANYANG KAHARIAN AT DOON AY MAKAKASAMA NA NATIN ANG DIYOS HABANG BUHAY.

Ito ang aral na mapupulot natin sa araw na ito,

TAYO AY TINUTURUAN NI HESUS NA MAGKAROON TAYO NG PASENSYA.

LAHAT TAYO AY DUMARAAN SA PAGHIHIRAP NA ITO,

ANG LAHAT NG ITO AY MAY KATAPUSAN AT MAY DARATING NA BIYAYA SA BUHAY NATIN.

KAILAN MANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA ITO?

Sa TAMANG PANAHON.