PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

ANG HARI NG KATOTOHANAN.

A Gospel Reflection on the Solemnity of Christ the King, Sunday, November 22, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Araw-araw ay marami tayong mga naririnig na balita. Isa sa pinakamainit na balita na pumutok kamakailan lang ay ang LAGLAG-BALA, na kung saan ang mga biktima ay ang mga pasahero ng eroplano. Hanggang ngayon ay patuloy pa nating hinahanap ang katotohanan kung SINO PA RIN ANG NASA LIKOD NG LAGLAG-BALA NA ITO.

KATOTOHANAN ANG LAGI NATING HINAHANAP KAPAG TAYO AY NAKAKARINIG NG MGA GANITONG BALITA.

KAPAG NAKITA NATIN ANG KATOTOHANAN AY MAGLILIWANAG ANG LAHAT,

MAGLILIWANAG ANG ATING BUHAY,

MAY KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN.

Kaya kapag tayo ay nakakapanood ng mga hearing sa senado, 

MARAMING TANONG ANG IBINABATO SA MGA TAONG MAY KINALAMAN SA ISANG KASO.

Sa pagdinig sa senado ay KATOTOHANAN pa rin ang ating hinahanap.

Sa Ebanghelyong  (John 18:33-37)  binasa natin ngayong araw na ito ng Linggo ng Kapistahan ng Kristong Hari, Nobyembre 22, 2015, ay isang paglilitis ang ating narinig ngayon.

Sa araw na ito ay narinig natin ang KATOTOHANAN. 

ANG KATOTOHANAN DITO AY SI HESUS ANG HARI NG MUNDONG ITO,

NAGING HARI SIYA AY SAPAGKAT IPINADALA SIYA NG DIYOS AMA UPANG MAGSALITA TUNGKOL SA KATOTOHANAN.

NAKAKALUNGKOT SAPAGKAT HINDI LAHAT NG TAO AY NANIWALA KAY HESUS!

HINDI NILA MATANGGAP ANG KATOTOHANAN NA SI HESUS ANG MESIYAS NA DUMATING  PARA ILIGTAS ANG MUNDO!!!!!!

ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA IPINAGKANULO AT IPINAPATAY NG KANYANG KAPWA-HUDYO!

ANO NGAYON ANG HAMON SA ATIN NG EBANGHELYO NGAYON?

BUKSAN NATIN ANG ATING MATA AT ISIPAN SA KATOTOHANAN.

TANGGAPIN NATIN NA SI HESUS ANG NAGHAHARI SA BUHAY NATIN.

KUNG SI HESUS ANG HARI NG BUHAY NATIN,

MAGLILIWANAG AT MAY DIREKSYON ANG ATING BUHAY.

Tandaan natin,

KAPAG TINATANGGAP NATIN ANG KATOTOHANAN,

KAPAG TAYO AY NASA PANIG NG KATOTOHANAN,

NAKIKINIG TAYO SA SALITA NG DIYOS AT SINUSUNOD NATIN ANG MGA UTOS NI HESUS.