PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 ITULOY ANG DAANG MATUWID.

A Gospel Reflection on the 2nd Sunday of Advent, December 6, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Sa susunod na taon 2016 ay eleksyon na naman.

Ngayon pa lang ay marami na tayong naririnig na mga political advertisement sa telebisyon.

Iba’t-ibang mukha ng mga kandidato sa eleksyon ngunit iisa lang ang kanilang hangarin.

ANO ANG HANGARIN NILA?

MAGKAROON NG TUWID NA DAAN.

HANAPIN ANG DAANG MATUWID.

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG DAANG MATUWID NA ITO?

MAGANDANG SERBISYO,

MAGANDANG BUHAY,

MAUNLAD NA BAYAN,

AT HIGIT SA LAHAT,

ANG PAGBABAGO SA LIPUNAN.

Tuwing eleksyon ay laging nagpapalit ng mga pinuno, namimili tayo kung sino ang karapat-dapat na mamahala sa ating bansa.

ANG LAGI NATING HINAHANAP SA ISANG PINUNO AY ANG MATUWID NA TAO.

KAHIT MAGALING PA NA PINUNO ANG ILUKLOK NATIN SA PUWESTO KUNG WALA TAYONG KOOPERASYON AY HINDI RIN NATIN MAKIKITA ANG DAANG MATUWID.

ANG DAANG MATUWID AY WALA SA MGA PULITIKO O KANDIDATO SA ELEKSYON,

ANG DAANG MATUWID AY NASA ATIN MISMO.

TAYO ANG SIMULA NG PAGBABAGO SA MUNDO.

Ito ang panawagan sa atin ngayon ni Juan Bautista dito sa Ebanghelyong  (Luke 3:1-6)  binasa natin ngayong araw na ito ng 2nd Sunday of Advent, December 6, 2015; 

“GUMAWA KAYO NG TUWID NA LANDAS NA KANYANG LALAKARAN!”

ALISIN NATIN ANG MGA BARA SA DARAANAN NG PANGINOON SA ATING BUHAY.

ANG NAKAKABARA DITO AY ANG KASALANAN!

ITO ANG HADLANG SA PAGDATING NG BIYAYA NG DIYOS SA ATING BUHAY.

ANG DAANG MATUWID AY ANG PAGLILINIS NG ATING KALOOBAN SA PAMAMAGITAN NG PAGSISISI AT PAGBABALIK-LOOB SA DIYOS.

Kung tayo ay magbabalik-loob sa Diyos ay magiging MATUWID ANG ATING BUHAY AT MAKIKITA NATIN ANG DAANG MATUWID.