PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 FULL OF GRACE AND MERCY.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Immaculate Conception of Mary, Tuesday, December 8, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Alam ninyo doon sa Quiapo kapag araw na Biyernes ay nag-uumapaw ang biyaya. Nag-uumapaw ang biyaya ay sapagkat malakas ang negosyo doon. Bukod sa malakas ang negosyo, meron pang libreng lugaw. Ang pagpapakain ng libreng lugaw ay handog ng ilang grupo doon sa Quiapo.

Pinapakain ang mga iba’t-ibang klase ng tao; PULUBI, DUKHA at maging ang mga MASSGOERS doon, LAHAT ay nakikisalo sa libreng lugaw.

Hindi lamang negosyo at libreng lugaw ang patok sa Quiapo tuwing araw ng Biyernes,

patok din ang nag-uumapaw na tao sa Confessional Box,

halos puno ang mga silid-kumpisalan tuwing araw ng biyernes.

BAKIT NABANGGIT KO ITO SA INYO NGAYON?

Sapagkat dalawang salita ang nangingibabaw dito na maaari nating pagnilayan ngayon.

ANO ANG DALAWANG SALITANG NAMUMUO DITO?

GRACE and MERCY.

Ang Dalawang Salitang ito ay naglalarawan kay Maria na ating ipinagdiriwang ngayon ang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion.

 

Sa Ebanghelyong  (Luke 1:26-38)  binasa natin ngayong araw na ito ng Martes, Disyembre 8, 2015; si Maria ay puno ng grasya. Ito ang bungad ng Anghel kay Maria na siya ay PUNUNG-PUNO NG GRASYA.

ANG GRASYANG IPINAGKALOOB KAY MARIA AY ANG PAGIGING MALINIS,

WALANG BAHID NA KASALANAN.

Nangyari ito nung siya ay ipinaglihi ng kanyang ina na si Sta Ana.

Nung si Maria ay nasa sinapupunan pa ni Sta Ana ay ipinagkalooban na siya ng biyaya,

at ang isa sa mga biyayang ito ay ang PAGLILIGTAS NG DIYOS SA KANYA SA WALANG BAHID NA KASALANAN.

Sa madaling salita, 

SI MARIA AY INIHANDA NG DIYOS PARA SA KANYANG MISYON NA MAGING INA NI HESUS.

DAHIL SA PAGTUGON NI MARIA SA TAWAG NG DIYOS AY DITO NA NAGSIMULA ANG PAGLILIGTAS NG DIYOS PARA SA SANLIBUTAN.

Ang pagdiriwang natin ngayon ng Inmaculada Concepcion ay kasabay sa pagbubukas ng Jubilee Door doon sa Vatican para sa pagdiriwang ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy and Compassion.

Ito ang pagkakataon para madama natin ang AWA NG DIYOS.

MADALAS TAYO AY NADADAPA SA KASALANAN!

KAPAG TAYO AY NAGKAKASALA AY HUWAG NATING ISIPIN NA HINDI TAYO MAHAL NG DIYOS!

KAHIT NADAPA PA TAYO SA KASALANAN,

ANG DIYOS AY PATULOY NA TUMATAWAG SA ATIN PARA TAYO AY MAGBALIK-LOOB SA KANYA.

Kaya kapag tayo ay nadarapa sa kasalanan,

hilingin natin ang tulong ni Maria na patuloy niya tayong ilayo sa kasalanan at ipadama ang awa ng Diyos.

SANTA MARIA,

INA NG DIYOS,

IPANALANGIN MO KAMING MGA MAKASALANAN,

NGAYON AT KUNG KAMING MAMAMATAY. AMEN.