PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 JOY OF MERCY.

A Gospel Reflection on the 3rd Sunday of Advent, December 13, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Nitong nakaraang Miyerkules, Disyembre 9, 2015, ay nagdiwang ako ng aking birthday. Ang araw na iyon ay inilaan ko sa aking pagnenegosyo, ang buong araw na pagtitinda ko sa stampita ng milagrosang imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church. Ako ay natutuwa sapagkat ang buong araw na iyon ay mabilis ang pasok sa akin ng pera.

MABILIS ANG PASOK NG PERA SA AKIN,

MALAKAS ANG AKING NEGOSYO,

AT SIMUT NA SIMOT ANG AKING LA NAVAL STAMPITA.

Kapag ako ay nandun sa Santo Domingo Church para magbenta ng stampita ngLA NAVAL,

kapag LA NAVAL stampita ang ibinebenta ko ay talagang malaking pera ang pumapasok sa akin at mabilis ang tugon ng aking mga kliyente.

Matapos ang buong araw ng aking pagbebenta ng LA NAVAL stampita at pagdalo sa misa doon sa Santo Domingo Church,

may iba pa akong appointment nung gabi na iyon.

Ako ay pumunta sa prayer meeting at advent recollection ng isang grupo doon sa New Manila, Quezon City. Nagnegosyo din ako doon, nagbenta ako ng stampita ng ibang religious images gaya ng Immaculate Conception, Mt Carmel, Advent, Dominican Blessing at Student Prayer of St Thomas Aquinas OP. Nakabenta rin ako doon at ang isang client na bumili sa akin, yung head servant ng grupo na iyon ay bumili sa akin ng 10 pieces na stampita;

Isang Immaculate Conception,

Apat na Student Prayer of St Thomas Aquinas OP,

at Limang Dominican Blessing.

Pagkabili niya ng mga ito ay nagbayad siya sa akin ng P50 at sinabi niya sa akin na ang sampung stampita na ito ay ipamigay ko sa iba. So ang ginawa ko kahit papaano ay binigyan ko pa rin siya ng isang Immaculate Conception stampita. Ang siyam na natitirang stampita ay yun ang ipinamigay ko sa mga pulubi sa paligid ng Quezon City.

Alam niyo po, paglabas ko ng Community House na iyon, ako ay nagdasal kay Lord at sinabi ko;

“LORD, SANA MAY MAKITA AKONG PULUBI SA DARAANAN KO PARA MAIPAMIGAY KO SA KANILA ANG SIYAM NA NATITIRANG STAMPITA.”

Nung sinabi ko ng ganito ay talagang dininig ng Diyos ang aking panalangin.

SUNUD-SUNOD ANG MGA NAKITA KONG PULUBI SA AKING DINARAANAN AT IBINIGAY KO SA KANILA ANG MGA NATITIRANG SIYAM NA STAMPITA.

Masayang-masaya ako nung gabi na iyon, ito ang pinakamasayang birthday sa buhay ko,

ang MAGBIGAY at MAGPADAMA NG AWA SA MGA DUKHA.

Ang buong araw ng aking birthday ay puro pera ang pumasok sa akin,

puro pera ang kaharap ko,

at bago matapos ang araw ng aking birthday ay ibinahagi ko naman sa mga dukha ang mga biyayang natanggap ko sa buong araw na iyon. 

Ito ang inuutos sa atin ngayon ni Juan Bautista dito sa Ebanghelyong  (Luke 3:10-18)  binasa natin ngayong araw na ito ng 3rd Sunday of Advent, December 13, 2015, ang utos ngayon ni Juan Bautista ay IBIGAY SA WALA ANG MERON TAYO.

Ibig sabihin ay ibahagi natin ang ating biyaya sa iba.

HUWAG NATING IPAGDAMOT ANG BIYAYANG MERON TAYO!

IBINIGAY SA ATIN ANG BIYAYA NA IYAN AY PARA TAYO ANG MAGING INSTRUMENTO NG PRESENSYA NG DIYOS!

Sabi ko nga sa inyo nung araw mismo ng birthday ko ay talagang BUHAY ANG PRESENSYA NG DIYOS,

DININIG NIYA ANG AKING PANALANGIN,

SINAMAHAN NIYA AKO SA AKING PAGNENEGOSYO AT IPINAKITA NIYA SA AKIN ANG MGA DUKHA.

Dito natin mapapatunayan na KASAMA NATIN ANG DIYOS,

SINASAMAHAN TAYO NG DIYOS.

That is EMMANUEL, which means, “GOD IS WITH US!”

OH!

EMMANUEL LAXINA!

ANG GANDA PALA NG PANGALAN MO.

BUKOD SA POGI KA PA AY NAKIKITA PA SA MUKHA MO ANG DIYOS,

yun ang ibig sabihin ng pangalan mo eh;

EMMANUEL – GOD IS WITH US!

KASAMA MO LAGI ANG DIYOS SA BUHAY MO.

Kung KASAMA natin lagi ang DIYOS ay dapat MAKITA SA ATIN ANG MUKHA NG DIYOS.

MAKIKITA ANG DIYOS SA MUKHA NATIN KAPAG MASAYA TAYO SA ATING GINAGAWA,

YUNG PAGLILINGKOD NA GINAGAWA NATIN,

YUNG PROFESSION NATIN,

YUNG BOKASYON NATIN,

YUNG CAREER NATIN,

AT HIGIT SA LAHAT,

ANG PAGPAPADAMA NATIN NG AWA SA MGA DUKHA.