PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015, December 16 – 24, 2015.

 WATCHDOG.

A Gospel Reflection on the 1st Day of Simbang Gabi, Wednesday, December 16, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Kung kayo ay nagsisimba o nagpupunta sa Santo Domingo Church diyan sa Quezon City, ay napapansin ninyo sa main altar ang malaking larawan ni Santo Domingo De Guzman OP. Doon sa larawan ni Santo Domingo ay makikita ninyo na sa tabing paanan niya ang isang aso o dalmatian dog na may kagat na sulo.

ANO ANG SIMBOLO NG ASO SA LARAWAN NI SANTO DOMINGO DE GUZMAN OP?

Ayon sa talambuhay ni Santo Domingo De Guzman OP, ang kanyang ina na si Beata Juana De Aza, nung siya ay buntis at dinadala niya sa kanyang tiyan si Santo Domingo ay nanaginip na ang sanggol na dinadala sa kanyang tiyan ay isang ASO NA MAY KAGAT NA SULO.

ANG ASO AY MAINGAY KAPAG MAY DUMARATING SA ATING TAHANAN,

ANG ASO AY MAINGAY KAPAG MAY MAGNANAKAW NA UMAAKYAT SA ATING BAHAY,

ANG ASO AY MAINGAY KAPAG MAY DUMADAAN NA TAO SA LANSANGAN,

ANG ASO AY PWEDE RIN MAGSABI NG KATOTOHANAN.

Tulad na lang ng isang aso doon sa Santo Domingo Convent, nung tinanong ni Fr Enrico Gonzales OP sa aso kung siya ba ang nakasira ng tsinelas ni Fr Enrico, ang reaction ng aso ay yumuko at hindi makatingin sa pari.

ANG ASO RIN PALA AY MARUNONG UMAMIN SA KASALANAN.

MABUTI PA ANG ASO AY MAY KONSENSYA,

HINDI KATULAD NG MGA TAO NGAYON AY WALANG KONSENSYA!

Tulad na lang sa isang KAKANDIDATO DIYAN SA ELEKSYON 2016,

PINAGMAMALAKI PA NIYA NA MARAMI SIYANG NAPATAY!

KINAKALABAN PA NIYA ANG SIMBAHAN!

IMMORAL PA!

SINO ANG BOBOTO SA GANYANG KLASENG TAO?!

KAYA NGA KAYO TATAKBO SA ELEKSYON AY PARA PAMUNUAN NINYO ANG BANSA NATIN!

EH KUNG ANG KANDIDATO NAMAN SA ELEKSYON AY ISANG IMMORAL AT MAMAMATAY-TAO,

ANO ANG IPAPAKITA NIYA SA TAONG BAYAN?!

PAGHIHIGANTI!

PAGPATAY!

IMMORALIDAD!

IYAN AY LABAG SA TURO NG SIMBAHAN!

KAYA KUNG PIPILI KAYO NG KANDIDATO SA ELEKSYON 2016 AY SIGURADUHIN NINYO NA ANG PIPILIIN NINYO AY KARAPAT-DAPAT NA MAMUNO SA BANSA NATIN,

YUNG MAY KAKAYAHANG MAGPAKITA NG TAMANG PAMUMUNO.

ANG TAMANG PAMUMUNO AY ANG PAGPAPAKITA NG MABUTING HALIMBAWA.

Ito ang nilalaman ng ating Ebanghelyo  (John 5:33-36)   ngayong Unang araw ng Simbang Gabi, Miyerkules, Disyembre 16, 2015, ang mabuting halimbawa na ipinakita ni Juan Bautista ay isang pagpapatotoo tungkol sa liwanag.

ANG PAGPAPATOTOO NI JUAN BAUTISTA AY HINDI LAMANG SA SALITA KUNDI SA GAWA.

ANG LIWANAG AY SI HESUS.

Dahil TAYO AY HINIRANG NIYA,

KINAKAILANGAN MAGPATOTOO TAYO TUNGKOL SA KANYA.

HUWAG NATING GAMITIN ANG ATING POSISYON SA PAG-ABUSO SA KAPANGYARIHAN!

GAMITIN NATIN ANG POSISYON SA PAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN AT PAGPAPAKITA NG MABUTING HALIMBAWA.

Ang Aso sa sinapupunan ni Beata Juana De Aza ay walang iba kundi si Santo Domingo De Guzman OP. Ito ang naging papel ni Santo Domingo De Guzman OP,

TAGAPAGPAHAYAG NG KATOTOHANAN,

MANGANGARAL NG EBANGHELYO,

at higit sa lahat,

siya ay tinaguriang WACTHDOG NG ATING PANGINOON.

Ito ang ating bokasyon, ang WATCHDOG NG PANGINOON sa pamamagitan ng PAGPAPAKITA NG MABUTING HALIMBAWA at PAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN.

SIMBANG GABI 2015, December 16 – 24, 2015.