PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015.

 PANAGINIP.

A Gospel Reflection on the 3rd Day of Simbang Gabi, Friday, December 18, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Madalas kapag natutulog tayo ay nananaginip tayo.

SINO BA ANG NAPAPANAGINIPAN NATIN?

Marahil ang napapanaginipan natin ay ang mahal natin sa buhay o ang mga taong malapit sa ating puso gaya ng pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga yumao.

Hindi lamang tao ang napapanaginipan,

napapanaginipan din natin ang isang pangyayari,

maaari din ang ating career, bokasyon, profession.

BAKIT NGA BA TAYO NANANAGINIP?

NANANAGINIP TAYO AY SAPAGKAT MAY NAIS IPAHIWATIG ANG DIYOS SA ATIN.

Kaya madalas ay ginagamit niya ang isang tao o pangyayari para magkaroon tayo ng discernment sa buhay.

Kapag na-discern natin ang bagay na ito ay DITO NATIN MAKIKITA KUNG ANO BA ANG PLANO NG DIYOS PARA SA ATIN.

 

Sa Ebanghelyong  (Matthew 1:18-25) binasa  ngayong Ikatlong araw ng Simbang Gabi, Biyernes, Disyembre 18, 2015, nakita natin na si Jose ay natutulog. Habang natutulog si Jose ay nagpakita sa kanya ang Anghel sa kanyang panaginip upang iparating ang mensahe ng Diyos. At ang plano ng Diyos dito ay HUWAG NIYANG IWANAN SI MARIA.

Dahil kapag iniwan si Maria at lumabas na buntis si Maria na walang kasamang lalaki ay aakusahan siya ng pakikiapid,

BABATUHIN HANGGANG SA MAMATAY.

Kaya masasabi din natin na si Jose ay protektor ng pamilya.

INILIGTAS NIYA SI MARIA SA KAPAHAMAKAN.

KAYA ANG GINAWA NI SAN JOSE AY TINANGGAP NIYA ANG PLANO NG DIYOS.

HINDI NA NAGDALAWANG-ISIP SI JOSE.

Sa buhay natin kapag tayo ay nakaka-encounter ng panaginip,

BUKSAN NATIN ANG ATING PUSO AT ISIP SA DIYOS,

AT HILINGIN NATIN ANG BIYAYA NA TAYO AY MARUNONG MAKIRAMDAM SA KALOOBAN NG DIYOS PARA SA ATIN.

SIMBANG GABI 2015.