PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015, December 16 – 24, 2015.

 PARAAN NG PANLILIGAW.

A Gospel Reflection on the 2nd Day of Simbang Gabi, Thursday, December 17, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Marahil lahat tayo ay sumusubaybay sa KALYE SERYE ng Eat Bulaga. Sa Eksena ng Kalye Serye ay ipinapakita ang tamang pamamaraan ng panliligaw. Sa ating kultura, kapag may natipuhan tayo ng isang tao, LALAKI man o babae, ay gumagawa tayo ng paraan kung paano nating liligawan ang taong iyon, liligawan para maging kaibigan natin o kasintahan na nauuwi sa pag-aasawa.

ANO ANG PARAAN NG PANLILIGAW NA GINAGAWA NATIN?

Halimbawa:

IKAW LALAKI,

MAY NATIPUHAN KANG BABAE,

NA-INLOVE KA SA KANYA.

Sa Unang tingin mo pa lang sa babae ay nahuhulog na ang loob mo. So ang gagawin mo para mapansin ka niya ay bibigyan mo ng bulaklak at tsokolate. Ngayon kapag nabola mo ang babaeng nililigawan mo ay mahuhulog na ang kanyang loob sa iyo at dito ay mauuwi na kayo sa pag-iisang dibdib.

Ang mga Babae, kapag may nakita kayong mga guwapong lalaki na katulad nina COCO MARTIN, JAMES REID, PAOLO AVELINO, ALDEN RICHARDS, JOHN LLOYD CRUZ, at iba pang mga POGING ARTISTA ay magkakandarapa pa kayo, magpapakipot pa kayo para mapansin kayo ng mga lalaki. 

So iyan ang mga pamamaraan ng panliligaw na ginagawa natin para MABUO ANG ISANG RELASYON.

Ganyan din sa magkakaibigan,

kapag may natipuhan kang isang tao para maging kaibigan ay gagawa ka rin ng paraan kung paano mo siya kakaibiganin.

Ganyan ang ginawa ko nung ako ay nag-aaral pa sa Perpetual Help College of Manila,

may nagustuhan akong isang tao para maging kaibigan ko.

HINDI KO SASABIHIN SA INYO KUNG SINO IYON.

Gumawa ako ng paraan para makipagkaibigan ako sa kanya.

ANO ANG GINAWA KO?

Tuwing meron kaming mga MAJOR EXAMS; Prelim, Midterm at Final, yung aming professor sa FCL o Filipino Christian Living na si Mrs Nonata Escobedo ay ipinagkakatiwala niya sa akin ang FCL Reviewer at ito ay ibabahagi ko sa iba kong mga kaklase. Ngayon, kapag hawak ko na ang reviewer ng FCL, ako naman ay magpo-post sa isang bulletin board doon sa 3rd floor ng nasabing eskwelahan, at nakasulat ng ganito;

“SA MGA GUSTONG MAGKAROON NG KOPYA NG REVIEWER SA FCL AY MAGSADYA KAYO SA AKIN SA LIBRARY O MAG-TEXT KAYO SA AKIN SA CELLPHONE NUMBER NA ITO…”

Eh nung nabasa ito ng taong gusto kong maging kaibigan ay nagtext siya sa akin para hingin sa akin ang kopya ng reviewer sa FCL. Kaya mula noon hanggang sa mga huling sandali ko sa Perpetual Help College of Manila ay patuloy ko pa rin ginagawa ito, at dahil sa ganitong pamamaraan ko ay dito NAMUO ANG AMING PAGKAKAIBIGAN, NAGING MALAPIT KAMI SA ISA’T-ISA.

KUNG ANG TAO AY MARUNONG GUMAWA NG PARAAN SA PANLILIGAW,

GANUN DIN ANG DIYOS.

ANG DIYOS AY GUMAGAWA DIN NG PARAAN PARA LIGAWAN NIYA TAYO NA BUMALIK SA AMA. 

Ang PARAAN NG PANLILIGAW NG DIYOS SA ATIN ay narinig natin sa Ebanghelyong  (Matthew 1:1-17) binasa  ngayong Ikalawang araw ng Simbang Gabi, Huwebes, Disyembre 17, 2015. Ang Haba ng Ebanghelyo ngayon, nakalista dito ang talaan ng mga ninuno ni Hesus.

ANG MGA NINUNO NI HESUS AY PURO MAKASALANAN, IMMORAL, MAMAMATAY-TAO AT MARUMI.

Ngayon BAKIT IBINILANG SI HESUS SA LAHI NA ITO?

UPANG MAKASAMA NATIN,

UPANG MAKASAMA NI HESUS ANG MGA MAKASALANAN.

Sa ganitong paraan ay maibabalik ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. So iyan ang paraan ng panliligaw ng Diyos sa atin para tayo ay makabalik sa kanya at MAIBALIK ANG MAGANDANG RELASYON NG TAO SA DIYOS.

SIMBANG GABI 2015, December 16 – 24, 2015.