PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015.

HINDI AKO KARAPAT-DAPAT.

A Gospel Reflection on the 5th Day of Simbang Gabi, 4th Sunday of Advent, December 20, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Kapag ako ay naiimbitahan sa isang speaking engagement, everytime na natatapos ang aking talk, lagi akong nakaka-encounter sa mga audience na ganito ang kanilang sinasabi;

“BROTHER, ANG GALING-GALING MO, ANG GANDA NG SHARING MO.”

Kapag ganito ang naririnig ko, ang buwelta ko naman sa kanila;

“HINDI PO AKO IYON, SI LORD YUNG NAGSALITA SA INYO.”

Sa loob-loob ko, SINO BA NAMAN AKO PARA MAGSALITA AT MAGBIGAY NG MGA MABIBIGAT NA TOPIC?

Katunayan, HINDI AKO KARAPAT-DAPAT NA MAGSALITA SA HARAPAN NG MGA TAO.

SINO BA AKO PARA MAGSALITA NG GANITO?

Marahil kapag may dumarating sa atin na biyaya,

lagi nating tinatanong sa sarili natin;

“KARAPAT-DAPAT BA AKO SA BIYAYANG ITO?”

Ang ganitong katanungan ay hindi nalalayo sa Ebanghelyong  (Luke 1:39-45) binasa natin ngayong Ika-limang araw ng Simbang Gabi, 4th Sunday of Advent, December  20, 2015. Si Elizabeth ay nagtanong nung dinalaw siya ni Maria;

“SINO BA AKO PARA DALAWIN NG INA NG AKING PANGINOON?”

Ang Ganitong katanungan ay pagkilala sa ating sariling kahinaan.

ALAM NATIN ANG ATING KAHINAAN,

KILALA NATIN ANG ATING PAGKATAO.

Subalit ang mga kahinaang ito ay hindi naging hadlang sa biyaya ng Diyos.

Tayong lahat ay may karapatan sa biyaya ng Diyos.

ANO MAN ANG PAGKATAO NATIN,

ANO MAN ANG KAHINAAN NATIN,

ANO MAN ANG KAKULANGAN NATIN,

ANG DIYOS AY PATULOY NA LUMALAPIT SA ATIN UPANG TANGGAPIN NATIN ANG KANYANG BIYAYA.

SIMBANG GABI 2015.