PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015.

OUR PRESENCE IS A BLESSING.

A Gospel Reflection on the 6th Day of Simbang Gabi, Monday, December 21, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Sa Ebanghelyong ating pinagnilayan kahapon ay narinig natin ang tanong ni Elizabeth;

“SINO BA AKO PARA DALAWIN NG INA NG AKING PANGINOON?”

Kahit alam nating hindi tayo karapat-dapat sa biyayang ito,

ANG BIYAYA NG DIYOS AY PATULOY NA LUMALAPIT SA ATIN.

HINDI HADLANG ANG ATING KAHINAAN SA PAGTANGGAP NATIN SA BIYAYA NG DIYOS.

Subalit kung TAYO AY PATULOY NA MAGIGING BUKAS ANG ATING KALOOBAN SA PLANO NG DIYOS,

DARATING AT DARATING ANG BIYAYA SA ATING BUHAY.

 Sa Ebanghelyong  (Luke 1:39-45) binasa natin ngayong Ika-anim na araw ng Simbang Gabi, Lunes, Disyembre  21, 2015, ang pagbisita ni Maria ay isang biyaya para kay Elizabeth.

ANG BIYAYA AY DUMATING SA KANILANG DALAWA;

SI MARIA AY NAGDADALANG-TAO KAY HESUS,

SAMANTALANG SI ELIZABETH NAMAN AY NAGDADALANG-TAO KAY JUAN BAUTISTA.

Ang Dalawang tao na ito ay parehong bida ngayong panahon ng adbiyento at kapaskuhan.

SI JUAN BAUTISTA AY NANGARAL UPANG IHANDA ANG PAGDATING NI HESUS,

SI HESUS NAMAN AY ISISILANG NGAYONG DARATING NA KAPASKUHAN UPANG ILIGTAS ANG SANLIBUTAN.

ANO ANG ITINUTUMBOK NG ATING EBANGHELYO NGAYON?

PRESENSYA.

ANG ATING PRESENSYA AY ISANG BIYAYA,

BIYAYA TAYO SA ISA’T-ISA.

Kaya nga kapag ganitong panahon ng kapaskuhan,

ang mga mahal natin sa buhay na nasa malayong lugar ay dumarating at nagbabalik-bayan para magkasama ang buong pamilya.

Kaya kapag ganitong kapaskuhan ay samantalahin natin na MAKASAMA ANG ATING MGA MAHAL SA BUHAY.

MAGKAROON TAYO NG REUNION SA PAMILYA AT SA MAGKAIBIGAN.

HABANG NABUBUHAY PA SILA AY BIGYAN NATIN SILA NG PANAHON.

SAPAGKAT KUNG WALA NA SILA SA MUNDONG ITO AY HANAPIN NATIN SILA AT MAMIMISS NATIN ANG KANILANG PRESENSYA.

Sa pamilya namin, nung nakaraang taon, Disyembre 23 at 28, 2014, dalawang tiyahin ko ang magkasunod na namatay, sina Tessie Galera at Teodora Oaminal. At nitong nakaraang Disyembre 17, 2015, pumanaw naman ang aking pinsan na si Chito Agullana. Sa Dominican Province of the Philippines, may isa rin kaming Dominican Priest doon sa UST at Professor ng mga Dominiko ang magkasabay na namatay sa mismong araw pa ng birthday ko, December 9, 2015, sina Fr Pedro Traquena OP at Dr Florentino Hornedo.

Ang mga taong pumanaw na sa mundong ito ay lagi natin silang alalahanin sa ating panalangin at ialay natin sila sa sanggol na si Hesus doon sa belen.

SIMBANG GABI 2015.