PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015.

PAGHAHANDA SA PASKO.

A Gospel Reflection on the 8th Day of Simbang Gabi, Wednesday, December 23, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

HANDA NA BA KAYO SA DARATING NA PASKO?

Ilang tulog na lang ay Pasko na.

Marahil lahat tayo ay handang-handa na sa pasko.

Nakapamili na tayo ng mga pagkaing ihahanda natin sa noche buena, pang-regalo sa mga inaanak at marami pang iba.

Abala na tayo ngayon sa mga paghahanda natin sa pasko.

HINDI LAHAT NG TAO AY NAKAPAMILI NA NG PANG-NOCHE BUENA AT PANG-REGALO,

ANG IBA AY WALANG PERANG PAMBILI,

ANG IBA AY WALANG TAHANAN,

ANG IBA AY NALULUNGKOT AT NAGLULUKSA.

Ngayong araw na ito ang aking yumaong pinsan na si Chito Agullana ay ihahatid na sa huling hantungan, nakikiramay ako sa pamilyang iniwan niya, ang aking Cousin-in law, ang aking mga pamangkin at kanilang mga anak. Masakit pa rin sa aking pamilya ang mga pangyayaring ito. Kung kailan malapit na ang pasko ay saka pa mawawala ang ating mahal sa buhay.

KAHIT TAYO AY NAGDADALAMHATI, TULOY PA RIN ANG ATING PAGHAHANDA PARA SA PASKO.

 Sa Ebanghelyong  (Luke 1:57-66) binasa natin ngayong Ika-walong araw ng Simbang Gabi, Miyerkules, Disyembre  23, 2015, si Juan Bautista ay isinilang na.

ANG PAGSILANG NI JUAN BAUTISTA AY ISANG PAGHAHANDA PARA SA PASKO.

DAHIL ANG MISYON NI JUAN BAUTISTA AY IHANDA TAYO SA PAGDATING NI HESUS DOON SA SABSABAN.

Kaya sa panahong ito ng adbiyento, madalas nating naririnig sa ebanghelyo si Juan Bautista.

Si Juan Bautista ang MAGHAHANDA SA PAGDATING NG PANGINOON.

Iyan ang dahilan kung bakit naparito si Juan Bautista.

Ito rin ang dapat nating malaman sa mundong ito,

ANG ATING MISYON SA MUNDONG ITO.

Ang Pagsilangnatin sa mundong ito ay isang PAGHAHANDA PARA SA ATING MISYON SA MUNDONG ITO.

SIMBANG GABI 2015.