PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

SIMBANG GABI 2015.

PROMISE OF MERCY.

A Gospel Reflection on the 9th Day of Simbang Gabi, Thursday, December 24, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Ngayong araw na ito ang huling araw ng panahon ng adbiyento at huling araw ng simbang gabi o paghahanda natin sa kapaskuhan. Sa loob ng apat na linggo sa panahon ng adbiyento ay napagnilayan natin ang ating paghahanda sa pagdating ng Panginoon.

ANG ADBIYENTO AY PUNO NG PANGAKO NG DIYOS PARA SA ATING KALIGTASAN.

 Sa Ebanghelyong  (Luke 1:67-79) binasa natin ngayong Ika-siyam na araw ng Simbang Gabi, Huwebes, Disyembre  24, 2015, ay narinig natin ang pagpupuri ni Zacarias.

Si Zacarias ay nagpuri sapagkat tinupad ng Diyos ang kanyang pangako.

Nitong mga nakaraang araw ay narinig natin ang PAGTUGON NG DIYOS SA PANALANGIN NINA ZACARIAS AT ELIZABETH,

kahapon ay narinig natin ang katuparan ng kanilang panalangin,

NAGANAP NA ANG PAGSILANG KAY JUAN BAUTISTA na matagal nang hinihingi ng mag-asawang Zacarias at Elizabeth,

at ngayon,

dahil sa pasasalamat ni Zacarias sa biyaya ng Diyos, 

SIYA AY NAGPURI SA DIYOS.

Ang Pagpupuri ni Zacarias ay isang paraan para IBALIK SA DIYOS ang mga biyayang natanggap natin.

Iyan ang dahilan kung bakit nagdiriwang tayo ng pasko,

pinaghahandaan natin ang pasko sa pamamagitan ng siyam na araw ng simbang gabi,

lahat ng mga ito ay PARAAN PARA IBALIK NATIN SA DIYOS ANG MGA BIYAYANG NATANGGAP NATIN.

Marahil ang ilan sa inyo kaya dumadalo sa simbang gabi ay sapagkat may hinihingi kayo sa Diyos.

HINIHILING NINYO NA MATUPAD ANG MGA PLANO NINYO SA BUHAY.

Sa ating pagsisimba ay HINDI LAMANG PURO HINGI KUNDI MARUNONG DIN TAYONG MAGPASALAMAT.

Kaya kapag tayo ay nagpapasalamat,

NAGPUPURI TAYO SA DIYOS.

Ang PANGAKO NG AWA NG DIYOS ay nangyari na sa araw na ito at mamayang hating gabi ay sasalubungin na natin ang pagsilang ni Hesus. Ito na ang TAMANG PANAHON para tayo ay MAGPURI, MAGPASALAMAT, MAGTIWALA at HUMINGI NG AWA SA DIYOS.

 

SIMBANG GABI 2015.