PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

 

PASKO 2015.

PASKO NG PAG-IBIG AT AWA.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Nativity of Our Lord, Friday, December 25, 2015.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Marahil lahat tayo ay abala na ngayon sa maraming bagay.

Abala tayo sa paghahanda sa noche buena, 

abala tayo sa pamimigay ng mga regalo,

abala tayo sa pag-shopping,

abala tayo sa mga christmas party at iba pa.

Ngayong panahon ng kapaskuhan ay marami tayong pinagkakaabalahan.

Kapag ganitong panahon ay abala tayo sa kaliwa’t kanang kainan,

NAKATUTOK TAYO SA PAGKAIN, REGALO AT PERA.

Kung tatanungin natin ang ating sarili,

ITO BA TALAGA ANG PAGDIRIWANG NG PASKO?

BAKIT BA TAYO NAGDIRIWANG NG PASKO NGAYON?

Nagdiriwang tayo ng pasko ngayon ay sapagkat INAALALA NATIN ANG DAKILANG AWA NG DIYOS.

Ang Pagpapadama ng awa ng Diyos sa atin ay nakita natin dito sa Ebanghelyong  (John 1:1-18) binasa natin ngayong  araw ng Pasko, Biyernes, Disyembre  25, 2015, ang SALITA ay NAGKATAWANG-TAO upang MAGBIGAY NG LIWANAG SA SANLIBUTAN.

ANG LIWANAG NA ITO AY WALANG IBA KUNDI SI HESUS.

SI HESUS ANG INAASAHANG MESIYAS NA DARATING PARA MAGLIGTAS SA BAYANG ISRAEL.

SUBALIT HINDI SIYA KINILALA NG MGA HUDYO,

HINDI SIYA KINILALA BILANG MESIYAS SAPAGKAT ISINILANG SIYA SA SABSABAN AT ANAK NG ISANG HAMAK NA KARPINTERO!

ANG INAASAHAN NILANG MESIYAS AY ISISILANG SA ISANG MAGANDANG HOSPITAL AT NAKATIRA SA PALASYO!

ANG MASAMA PA DITO, HINDI TINANGGAP NG MGA TAO ANG LIWANAG!

MARAMI PA RIN NGAYON ANG NABUBUHAY SA KADILIMAN AT PINIPILING MAGING MASAMA!!!

TULAD NA LANG SA PANAHONG ITO,

MARAMI NGAYON ANG MGA NAGKALAT NA HOLDAPER!

MAGNANAKAW AT PUMAPATAY NG TAO!

Nalalapit na naman tayo sa eleksyon at matunog ngayon ang pagtakbo ni Rodrigo Duterte sa pagiging pangulo ng ating bansa.

Ang sabi nila kapag si Duterte ang naging pangulo ng bansa ay MALAKING PAGBABAGO ANG MANGYAYARI SA PILIPINAS.

MAWAWALA NA ANG MGA KRIMINAL SA PAMAMAGITAN NG PAGPATAY.

Alam natin na si Duterte ay PUMAPATAY NG MGA KRIMINAL.

NAGHAHANAP TAYO NG SOLUSYON PARA MAWALA ANG KRIMINAL SA ATING BANSA.

HINDI SOLUSYON ANG PAGKITIL SA BUHAY NG ISANG TAO!!!!!!!

KUNG SA PANANAW NI DUTERTE ANG SOLUSYON SA KRIMINALIDAD AY KAMATAYAN,

SA PANANAW NG SIMBAHAN ANG SOLUSYON SA KRIMINALIDAD AY PAG-IBIG AT AWA!!!

ANG SOLUSYON DITO AY ANG ATING PAGMAMAHAL SA KANILA.

IPADAMA PA RIN NATIN SA KANILA ANG AWA AT PAGPAPATAWAD NG DIYOS.

WALANG NILIKHA NG DIYOS NA MASAMA,

SUBALIT ANG TAO LAMANG ANG PUMILI NA MAGING MASAMA!

 

PASKO 2015.