PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

TUNGKULIN NG MAGULANG.

A Gospel Reflection on the Feast of the Holy Family, Sunday, December 27, 2015.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Ang aking negosyo ngayon ay gumawa at magbenta ng stampita o larawan ng mga religious images. Kapag ako ay nagbebenta nito sa mga simbahan, nakakatuwang tignan na mismo pang mga bata ang nagyayaya sa kanilang magulang na bumili sa akin ng mga stampita. May magulang na bumili sa akin ng mga stampita, may magulang na sumasang-ayon sa kagustuhan ng anak na bumili sa akin ng stampita at may magulang din na hinahadlangan ang kagustuhan ng anak sa pagbili sa akin ng stampita.

DAPAT SANA ANG MAGULANG MISMO ANG MAGING MABUTING HALIMBAWA SA KANILANG MGA ANAK NA BUMIBILI SA AKIN NG STAMPITA AT NAG-AAKAY NA LUMAPIT SA DIYOS.

Sa Ebanghelyong  (Luke 2:41-52) binasa natin ngayong araw na ito ng Linggo ng Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Disyembre  27, 2015, ang mag-anak na Jose, Maria at Jose ay nagtungo sa Templo. Ipinapakita dito ang TUNGKULIN NG ISANG MAGULANG NA AKAYIN ANG KANILANG ANAK NA LUMAPIT SA DIYOS.

Ito ang aral na mapupulot natin ngayon,

ANG TUNGKULIN NG ISANG MAGULANG AY BIGYAN NG MAGANDANG BUHAY, EDUKASYON, PAGTUTURO NG CHRISTIAN VALUES ANG KANILANG MGA ANAK.

AKAYIN ANG KANILANG MGA ANAK NA LUMAPIT SA DIYOS,

HUWAG NINYONG HAHADLANGAN ANG INYONG ANAK NA LUMAPIT SA DIYOS!

KUNG GUSTO NG ANAK NINYO NA BUMILI SA AKIN NG STAMPITA,

BIGYAN NINYO NG PERANG PAMBILI!

MABUTI PA ANG IBANG BAGAY NABIBILI NINYO!

PERO ANG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG MGA RELIGIOUS ITEMS AY HINDI NINYO MABILI,

KINUKURIPUTAN NIYO PA ANG DIYOS!