PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

TRENDING OF THE YEAR.

A Gospel Reflection on the Solemnity of Mary the Mother of God, Friday, January 1, 2016.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Nitong mga huling buwan ng taong 2015 ay naging trending hindi lamang sa telebisyon, kundi maging sa social media ang KALYE SERYE at ALDUB FEVER. Saan man sulok ng daigdig ay laging napapag-usapan ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilalang YAYA DUB. Hindi lamang ang love team na ito ang napapag-usapan kundi napapag-usapan din si Lola Nidora.

BAKIT BA NATING NAPAPAG-USAPAN ITO?

ANO BA ANG MERON DITO?

Alam nating lahat na ipinapakita dito ang kanilang pag-iibigan.

Siyempre kapag tayo ay nakakapanood ng love story,

lahat tayo ay KINIKILIG.

Ang Eksenang ipinapakita dito ay hindi lamang love story,

kundi meron din mga itinuturong aral tungkol sa pag-ibig.

ANG PAG-IBIG AY HINDI MINAMADALI,

kundi ito ay may kalakip na sakripisyo at pinaghihirapan.

Kaya kapag tayo ay nanliligaw o nililigawan,

NAGDIDISCERN MUNA TAYO kung karapat-dapat bang mahalin ang taong ito at maging sa isa’t-isa.

Kaya nga sa magkasintahan bago sila ikasal ay namamanhikan muna.

Sa pamamanhikan ay dito KINIKILATIS ang taong umaakyat ng ligaw,

tinitignan kung ANO ANG BACKGROUND NG TAONG ITO. 

Kaya matapos ang pangingilatis at pagmumuni-muni sa taong iyon, 

dito magdedesisyon ang pamilya kung karapat-dapat ba ang taong ito.

Kung sa showbiz ay naging trending sina Alden Richards at Maine Mendoza ,  

sa simbahan ang trending ngayong UNANG ARAW NG BAGONG TAON, Biyernes, Enero 1, 2016 ay si Maria.

BAKIT NAGING TRENDING SI MARIA SA BAGONG TAON?

Sa Ebanghelyong  (Luke 2:16-21) binasa natin ngayon, si Maria ay nagnilay sa sinabi ng mga anghel at pastol tungkol kayHesus.

TAYO BA AY MERON PANAHON PARA MAGNILAY?

NAPAGNILAYAN BA NATIN ANG MGA NANGYARI SA ATING BUHAY NITONG NAKARAANG TAON?

KUNG NAPAGNILAYAN NATIN ANG ATING SARILI AY DAPAT NAGKAKAROON TAYO NG PAGBABAGO.

KUNG ANO MAN ANG MALING NAGAWA NATIN NOON AY BAGUHIN NA NATIN!

LET’S MOVE ON!

KUNG HINDI MO PA RIN AALISIN ANG MGA PANGIT MONG UGALI AY WALANG MANGYAYARI SA BUHAY MO!

KAYA NGA BINIBIGYAN TAYO NGAYON NG PAGKAKATAON PARA MAGNILAY AT MARINIG ANG TINIG NG DIYOS.

MARIRINIG NATIN ANG TINIG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KATAHIMIKAN NG ATING PUSO.