PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

Katolikong Katesismo on the  Solemnity of the Epiphany of Our Lord, Sunday, January 3, 2016.

 ANO ANG SIMBOLO NG TALA SA PANAHON NG KAPASKUHAN?

 

Ang Tala ay makikita natin sa langit lalo na sa oras ng gabi. Ito ay nagbibigay ng liwanag at nagniningning sa gitna ng kadiliman. Tulad ng nangyari sa tatlong mago na naghahanap sa bagong silang na si Hesus, habang sila ay naglalakbay patungong bethlehem ay may nakita silang tala na nagliwanag sa langit, hudyat na ang mesiyas ay isinilang na. Sa pamamagitan ng tala ay nakita nila ang direksyon patungo sa lugar na kung saan ay isinilang ang ating manunubos.

Sa panahon ng kapaskuhan, ang tala ay nagpapakita sa atin, hindi lamang isang tanda na si Hesus ay isinilang na kundi ito rin ay nagsilbing gabay at nagbibigay ng direksyon sa mga taong nabubuhay sa kadiliman at sa kawalan ng pag-asa. Ang Grupo ng mga kabataan doon sa Santo Domingo Church na kung tawagin ay BARKADAHAN NI SANTO DOMINGO ay patuloy na nagbebenta ng mga tala para ito ay isabit sa Christmas Tree doon sa Santo Domingo Church. Ito ay isang paraan para matulungan ang mga batang mahihirap lalo na ang mga palaboy sa kalsada.

Tuwing Disyembre 28 taun-taon ay ginaganap ang MAKIBATA at dito napupunta ang perang nalikom mula sa pagbenta ng mga tala doon sa Santo Domingo Church. Mga Kapatid, sa paskong ito nawa ay tayo rin ay magsilbing tala sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng pag-asa para sila ay makabangon mula sa kahirapan.