PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

TUNAY NA MATALINO.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Epiphany of Our Lord, Sunday, January 3, 2016.

 

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

SINO BA ANG ITINUTURING NA MGA MATATALINONG TAO?

Ang itinuturing nating mga MATATALINONG TAO ay ang mga MAGAGALING, may DISKARTE SA BUHAY, MATATAAS ANG MGA MARKA SA ESKWELA, MAHUSAY AT MAUTAK SA LAHAT NG BAGAY. Ang mga ganitong katangian ay nakagawian na natin sa pagkilala sa isang matalinong tao. Ngunit hindi pa rin ito ang sukatan sa isang tunay na matalino.

ANO BA TALAGA ANG SUKATAN NG PAGIGING ISANG TUNAY NA MATALINO?

 

Iyan ay makikita natin dito sa Ebanghelyong  (Matthew 2:1-12) binasa natin ngayong araw na ito ng Linggo ng Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, Enero 3, 2016.

At ANO ANG NAKITA NATIN NGAYON DITO SA EBANGHELYO?

Ang pagiging MAUTAK NG MGA MAGO.

ANG TUNAY NA MATALINO AY ANG PAGIGING MAUTAK.

Nung makita nila si Hesus ay sumamba sila.

Matapos ang kanilang pagsamba,

sa halip na bumalik sila kay Herodes ay NAG-IBA SILA NG DIREKSYON.

NAISAHAN NILA SI HERODES SAPAGKAT ALAM NILA ANG MAITIM NA BALAK NIYA.

DAHIL SA SOBRANG GALIT NI HERODES AY PINAPATAY NIYA ANG MGA SANGGOL NA LALAKI,

at ito ang ginunita natin noong Disyembre 28,

ang NINOS INOCENTES,

ang PAGPASLANG SA WALANG KAMUWANG-MUWANG NA SANGGOL!

GANYAN ANG NANGYAYARI SA PANAHONG ITO,

ANG MGA MAGKARIBAL SA PUWESTO AY NAGKAKAROON NG INGGITAN!

SIRAAN!

HANGGANG MAUWI SA PATAYAN!!!!!!

NANGYAYARI IYAN KAPAG MALAPIT NA ANG ELEKSYON!

NAGBABANGHAYAN ANG MGA KANDIDATONG MAGKARIBAL SA PUWESTO!

TULAD NG NANGYARI KAY GRACE POE,

NA KUNG ANU-ANONG PANINIRA ANG IKINAKALAT LABAN SA KANYA!

GANYAN ANG NANGYAYARI SA ATIN NGAYON!

KAPAG ANG ISA AY NAKAKA-ANGAT SA ATIN,

HINIHILA NATIN SIYA NG PABABA!

INGGIT ANG NANGYAYARI SA ATIN NGAYON!

ANG PAGIGING ISANG MATALINO AT MAUTAK AY HINDI NANINIRA NG KAPWA DAHIL SA SELFISH AMBITION AT PERSONAL INTEREST!

ANG PAGIGING ISANG MATALINO AT MAUTAK AY HINAHAYAAN LANG NIYA KUNG ANO ANG KALOOBAN NG DIYOS PARA SA KANYA!

Sa madaling salita,

ANO MAN ANG KALOOB NG DIYOS PARA SA KANYA AY TATANGGAPIN NIYA AT HAHAYAANG KUMILOS ANG DIYOS SA KANYANG BUHAY.

Iyan ang dahilan kung bakit NAGPAKITA SA ATIN ANG PANGINOON ngayon,

upang SABIHIN niya sa atin ang kanyang PLANO PARA SA ATING LAHAT at IPAKILALA NA SIYA ANG DIYOS NA DAPAT NATING SAMBAHIN.