PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

Katolikong Katesismo on the  Feast of Sto Nino, Sunday, January 17, 2016.

 ANG DEBOSYON NG STO NINO SA PILIPINAS.

 

 

Ang Imahen ng Sto Nino ay ibinigay ni Magellan kay Raha Humabon bilang isang regalo. Tanda ito ng pakikipagkaibigan at pagiging kristyano ni Raha Humabon at ng buong bayan ng
Cebu. Ngunit sa kasawiang palad ay sumama ang relasyon ni Magellan at ng isang Datu na taga – Mactan na si Lapu-lapu.

Nagkaroon ng digmaan at namatay si Magellan. Makalipas ang ilang taon,
bumalik si Legazpi
, isa sa mga kasamahan ni Magellan upang ipaghiganti ito. Sinunog niya at ng kanyang mga pangkat ang buong bayan ni Lapu-lapu pati na rin ang kay Humabon. Nasunog ang lahat ng mga kubo at ari-arian ng mga katutubo maliban sa imahen ng Sto Nino. Mula noon, lalong lumalim
ang pananampalataya 
ng mga katutubong pilipino sa Sto Nino.

Ang Kapistahan ng Sto Nino ay isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang para sa mga katolikong pilipino. Ipinagdiriwang natin ito upang maging huwaran ang batang si Hesus sa kanyang mabubuting halimbawa.