PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

WANTED: PRESIDENT.

A Gospel Reflection on the 3rd Sunday in Ordinary time, January 24, 2016.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

SINO ANG NAPUPUSUAN NINYONG MAGING SUSUNOD NA PRESIDENTE NG PILIPINAS?

MAY NAPILI NA BA KAYONG ILULUKLOK NA BAGONG PANGULO NG PILIPINAS SA DARATING NA ELEKSYON?

ANO BA ANG HINAHANAP NINYONG KATANGIAN SA BAGONG PANGULO NG PILIPINAS?

Sa panahong ito ay marami ang mga kandidatong nakapila sa listahan ng mga pipiliin ng taong bayan para iluklok sa puwesto. Ngayon pa lang ay may kanya-kanyang gimik ang mga kandidato tulad ng advertisement sa telebisyon, ang kanilang plataporma, ang kanilang pangako sa taong bayan.

Lahat ng mga ito ay PINANGHAHAWAKAN AT BINABANTAYAN NG TAONG BAYAN,

INAABANGAN kung ito ba ay TUTUPARIN nila at IPAPARAMDAM sa taong bayan.

Ang mga kandidato sa eleksyon ay isinasalang muna sa isang masusing interview bago natin silang iluklok sa pwesto.

INAALAM NATIN ANG KANILANG BACKGROUND,

PLANO PARA SA PAGBABAGO NG BANSA,

ADHIKAIN AT HIGIT SA LAHAT,

ANG LAMAN NG KANILANG PUSO.

Ang PUSO ng isang KANDIDATO ay may PUSONG NAGLILINGKOD at NAGMAMALASAKIT SA KAPWA.

HINDI LAMANG PURO PANGAKO AT PORMA,

ANG KANILANG PANGAKO AY DAPAT ISINASAGAWA!

KUNG GANITO ANG NAKIKITA NATIN SA MGA PULITIKO AY HINDI TAYONG MAGDADALAWANG-ISIP NA ILUKLOK NATIN SILA SA PWESTO.

Ito ang dapat na matutunan ng mga pulitiko at maging ang mga kandidato ngayon,

ANG PAGIGING ISANG LIDER NG ATING BANSA AY NAKIKITA ANG KATAPATAN SA KANILANG PANGAKO AT TUNGKULIN.

Ito ang MABUTING BALITA na ating narinig ngayon dito sa Ebanghelyo  (Luke 1:1-4;4:14-21) na ating binasa sa araw na ito ng 3rd Sunday in Ordinary time, January 24, 2016; ang SALITA NG DIYOS ay NATUPAD ngayon sa pamamagitan ni Hesus.

IPINAHAYAG NI HESUS ANG MABUTING BALITA NGAYON UPANG BIGYAN NG PAG-ASA ANG MGA DUKHA AT IPADAMA ANG AWA AT PAGMAMALASAKIT NG DIYOS.

Ito ang hinahanap natin ngayon sa mga kandidato ngayong darating na eleksyon.

ANO BA ANG CRITERIA NATIN SA PAGPILI NG KANDIDATO?

MAY PALABRA DE HONOR O MAY ISANG SALITA,

TAPAT SA PANGAKO AT TUNGKULIN,

AT HIGIT SA LAHAT,

MAKITA ANG MUKHA NI HESUS,

ang may PUSONG MAAWAIN at MAHABAGIN SA KAPWA.