PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

Katolikong Katesismo on 2nd Sunday of Lent, February 21, 2016.

 ANO ANG DAAN NG KRUS? 

 

Ang Daan ng Krus ay isa sa mga pinakatanyag at laganap sa mga debosyon ng Simbahang Katoliko. Pinagninilayan ito sa araw ng Biyernes, sa mga araw ng pagbabalik-loob sa Diyos at lalo na sa loob ng Apatnapung araw ng Paghahanda sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Bahagi ng debosyong ito ang pagninilay sa pagpapakasakit ni Hesukristo lalo na yaong kanyang tiniis mula sa Pretoryo hanggang sa Kalbaryo kung saan sumakabilang buhay siyang nakapako sa krus.

Noon pa mang mga naunang siglo ng kristyanidad ay naitalaga na ng pamimintuhong mga nananampalataya ang iba’t-ibang pook sa Via Dolorosa kung saan tumigil si Kristo o nakasalubong ng isa o iba pang tao habang tinatahak niya ang daan patungo sa kalbaryo. Tinatawag na ISTASYON ang mga pook na ito kung saan tumitigil panandali at mataimtim na nagninilay ang mga perigrino sa Jerusalem.

Noong una, natatangi lamang ang debosyong ito sa Jerusalem kung saan naganap ang mga kalunus-lunos na pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo at kung saan din hinikayat ng mga papa na magtungo ang mga mananampalataya, lalo na noong Gitnang Panahon. Sa paglipas ng panahon, dahil sa kahirapang magtungo sa Jerusalem, hinikayat na lamang ang mga nananampalataya na pagnilayan ang Daan ng Krus sa kanilang sariling pook, sa pamamagitan ng pagninilay at pagdarasal ng mga istasyon ng Via Dolorosa na nakalarawan sa mga kuwadro o rebulto. Ganito nagsimula ang nakagisnan at pinagninilayan nating DAAN NG KRUS sa ating mga simbahan.

Ang pangunahing mga tagapagtaguyod ng debosyong ito ay ang mga Franciscano na pinagkatiwalaan ng Papa ng pangangalaga ng mga banal na pook sa Banal na Lupain. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng iba’t-ibang bilang ng mga istasyon at sa ibang pagkakataon iba’t-ibang mga pagkakasunud-sunod. Noon lamang 1731 itinakda ni Papa Clemente XII sa bilang na 14 ang mga istasyon at sa pagkasunud-sunod na kinasanayan na ng lahat ng mga katoliko. Nakaugalian na gawin ang mga istasyon sa paligid ng simbahan, kapilya o sa lansangan o kaya’y liwasan kung saan itinayo ang 14 na istasyon. Kapag mahirap o di-praktikal ang paggalaw ng mga nag-iistasyon sa sambayanan, sapat na ang namumuno na lamang ang maglibot sa iba’t-ibang istasyon habang nananatiling nagdarasal at nagninilay ang sambayanan sa kanilang kinalalagyan. Kung kinakailangan, maaari ring mag-istasyon sa harapan ng isang krusipihong istasyonal na mayroon itong mga dibuho na umaalala sa 14 na istasyon na inilaan at binasbasan para sa ganitong gamit. Ito ang iminumungkahi kapag walang mga istasyon o kaya naman para sa mga maysakit.

Matapos ang Vatican II iminungkahi ng ilang mga dalubhasa sa teolohiya na dapat isama ang Muling Pagkabuhay ni Kristo sa daan ng krus. Iminungkahi naman ng iba ang higit na maingat na paggunita ng pagpapakasakit at kamatayan ni kristo ayon sa salaysay ng ebanghelyo. Dahil dito, iba’t-ibang pagkakasunod ayon sa ebanghelyo, kasama ang muling pagkabuhay ang iminungkahi ng iba’t-ibang mangangatha bilang paghalili sa nakagisnang tradisyon. Ang iba naman ay nagdagdag na lamang ng istasyon ng Muling Pagkabuhay bilang ika-15 istasyon. Dahilan sa ito ay isang debosyo ng karamihan lamang at hindi isang pagdiriwang na liturhikal, hindi nagbigay ng opisyal na kautusan ang Vaticano tungkol dito kundi mga mungkahi lamang.

Ang Daan ng Krus na inilahad ng gabay ay ayon sa pagkakasunud-sunod na ipinapanukala ng Kongregasyon para sa Banal na Pagsamba.