PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

PATIKIM: THE FESTIVAL OF FOODS.

A Gospel Reflection on the 2nd Sunday of Lent, February 21, 2016.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Nung ako ay nag-aral ng dalawang taon sa kolehiyo diyan sa Perpetual Help College, kapag sumasapit ang Foundation Week ay meron iba’t-ibang gawain. Isa sa mga gawaing ito ay ang PATIKIM. Dito ipinapakita ang iba’t-ibang klase ng pagkain, iba’t-ibang klase ng pagluluto nito na inihanda ng iba’t-ibang college departments. Ang mga lutong pagkaing ito ay galing pa sa iba’t-ibang probinsya.

ANO NGAYON ANG LASA NG MGA PAGKAING ITO?

Siyempre of course;

meron MATAMIS, MAALAT, MAANGHANG, MATABANG at MAPAIT.

Sa isang potahe ay dapat iba’t-iba ang panlasa.

HINDI PWEDENG PURO MATAMIS LANG,

HINDI PWEDENG PURO MAALAT LANG,

HINDI PWEDENG PURO MAANGHANG LANG,

HINDI PWEDENG PURO MATABANG AT MAPAIT LANG.

Kinakailangan LAHAT AY MATITIKMAN MO IYAN.

 Sa Ebanghelyong  (Luke 9:28-36) binasa natin ngayong araw na ito ng 2nd Sunday of Lent,February 21, 2016 ay isang PATIKIM din ang nangyari.

PINATIKMAN NG DIYOS ANG PANANDALIANG KALUWALHATIAN.

Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus ay isang PANANDALIANG KALUWALHATIAN at PATIKIM NG DIYOS.

HINDI SILA MAAARING MANATILI DOON SA BUNDOK,

KINAKAILANGAN AY HARAPIN ANG PAGHIHIRAP AT KAMATAYAN NA NAGHIHINTAY KAY HESUS DOON SA JERUSALEM.

ANO ANG ARAL NA ITINUTURO SA ATIN NG EBANGHELYO NGAYON?

ANG BUHAY NATIN DITO SA MUNDO AY ISANG PATIKIM LANG,

IBINIBIGAY SA ATIN ANG KAGINHAWAHAN, KALIGAYAHAN, KASAGANAHAN, KAHIRAPAN, KALUNGKUTAN, KAMATAYAN AT KALUWALHATIAN.

LAHAT NG MGA ITO AY PAGDADAANAN AT MATITIKMAN NATIN.

Sa umpisa ng negosyo ay papatikman ang kasaganahan,

MALAKAS ANG BENTA at MABILIS ANG PAGLAKI NG PERA.

Kapag medyo tumagal na sa negosyo,

doon matitikman ang unti-unting PAGHINA NG BENTA, PAGKAWALA NG MGA KLIYENTE at ang masakit pa nito ay ang PAGSASARA NG NEGOSYO.

Kaya’t sa panahong ito ng Kuwaresma, hilingin natin ang tulong ng Diyos na patuloy tayong samahan sa pakikibaka sa buhay, bigyan tayo ng lakas ng loob para harapin ang mga hamon ng buhay.