PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

ALAB NG PAG-IBIG AT AWA.

A Gospel Reflection on the 4th Sunday of Lent, March 6, 2016.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Sa mga magkaibigan at magkasintahan, kapag nagsisimula pa lamang ang relasyon bilang magkaibigan at magkasintahan ay nag-iinit ang damdamin, mainit ang pagtanggap sa isa’t-isa. Kapag mainit ang ating damdamin ay interesado tayong kilalanin ang isang tao, at kapag nakilala na natin ang taong iyon ay dito na magsisimula ang isang relasyon.

Sa mga nagliligawan pa lamang diyan, kapag lumalim na ang inyong relasyon ay mauuwi na ito sa pag-iisang dibdib.

ANG MGA KABATAAN NGAYON AY MASYADONG EXCITED SA PAGKAKAROON NG PARTNER SA BUHAY,

MINAMADALI ANG RELASYON,

KAYA ANG NANGYAYARI NGAYON AY GUMAGAWA NG PARAAN SI LALAKI PARA MAPASAKANYA SI BABAE.

ANONG PARAAN ITO?

NABUBUNTIS SI BABAE NANG WALA SA ORAS!

IYAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT MARAMI SA MGA KABATAAN NGAYON ANG HINDI NAKAKATAPOS NG PAG-AARAL DAHIL SA PAGKAKAROON NG ANAK NA WALA SA ORAS!

KAYA ANG IBA DIYAN AY ITINATAGO PA SA MAGULANG ANG PAGIGING DISGRASYADA NG ANAK!

BAKIT HINDI MAGIGING DISGRASYADA SI BABAE EH KUNG SINU-SINONG MGA LALAKI ANG KINAKASAMA NIYA?!!!!!!!!!!!

SECOND YEAR COLLEGE PA LANG HINDI INAATUPAG ANG PAG-AARAL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

MAS INAATUPAG PA ANG SUMAMA SA KUNG SINU-SINONG MGA LALAKI HANGGANG SA NABUNTIS ITO NG WALA SA ORAS!!!!!!!!!!!!!

SA MADALING SALITA, PURO KALANDIAN ANG LAMAN NG UTAK AT HINDI ANG PAG-AARAL!!!!!!!!!!!

SO ANO ANG GINAGAWA NG ANAK?!

LUMALAYAS NANG HINDI IPINAPAALAM SA MAGULANG KUNG SAAN PUPUNTA ANG ANAK!

IPINAGPAPALIT ANG MAGULANG SA ISANG WALANG KWENTANG BABAE O LALAKI!

KAYA SA BANDANG HULI,

KAPAG NAHIRAPAN NA ANG ANAK SA KANYANG SITWASYON,

KANINO SIYA TATAKBO?!

SA MAGULANG PA RIN!

KAHIT ANO PANG GINAWA MONG KASALANAN!

KAHIT BINIGO MO ANG MAGULANG MO!

SA MAGULANG KA PA RIN TATAKBO!

AT ANG MAGULANG MO NAMAN AY HANDA KA PA RIN NIYANG TANGGAPIN AT PATAWARIN SA IYONG MGA NAGAWANG KASALANAN.

Ganito ang ipinakita sa atin ng isang parabula, ang parabula ng isang alibughang anak o PRODIGAL SON na ating narinig ngayon dito sa Ebanghelyong  (Luke 15:1-3,11-32) binasa natin ngayong araw na ito ng 4th Sunday of Lent,March 6, 2016. Ang bunsong anak ay lumayas at dinustay ang kanyang kayamanan. Ngunit nung siya ay naghirap, BUMALIK SIYA SA KANYANG AMA.

ANO ANG GINAWA NG AMA DITO NUNG BUMALIK SA KANYA ANG BUNSONG ANAK?

TINANGGAP NIYA ITO AT NAGDIWANG PA SILA.

IPINAGDIWANG NILA ANG MULING PAGBABALIK NG BUNSONG ANAK.

ANO ANG ARAL NA MAPUPULOT NATIN NGAYON DITO?

TAYONG LAHAT AY NALIGAW NG LANDAS AT NAHULOG SA KASALANAN.

SA ATING PAGKAKASALA AY PATULOY PA RIN TAYONG MINAMAHAL NG DIYOS.

Sa katunayan ay HINIHINTAY NIYA ANG ATING MULING PAGBABALIK SA KANYA.

Kaya ang ating Santo Papa ngayon na si Pope Francis ay nagdeklara ng EXTRAORDINARY JUBILEE YEAR OF MERCY, sapagkat ito na ang panahon para TAYO AY MAGBALIK-LOOB SA AMA upang MATIKMAN natin ang INIT ng kanyang PAGMAMAHAL at AWA.