PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents 

HUGOT.

A Gospel Reflection on the Commemoration of the Lord’s entrance into Jerusalem, Palm Sunday, March 20, 2016.

JOHN REGINALD BAUTISTA OP

Lahat tayo ay meron pinaghuhugutan. Nagagawa man natin ang bagay na ito ay sapagkat maypinaghuhugutan tayo. Halimbawa na lang, nagbibigay ako sa inyo ng pagninilay ng ebanghelyo at katekesis linggu-linggo dito sa internet o social media, nagkaroon ako ng maliit na negosyo o pinagkakakitaan sa pamamagitan ng pag-iimprenta at pagbebenta ng mga religious stampita o religious items, nagagawa ko ito ay sapagkat may PINAGHUHUGUTAN AKO, ang pinaghuhugutan ko ay ang aking malalim na debosyon sa milagrosang imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church.

Sa mga magkaibigan, magkasintahan at mag-asawa, kahit anong bagyo ang dumating sa kanilang buhay ay matibay pa rin ang kanilang relasyon at hindi pa rin sila naghihiwalay.

BAKIT?

Sapagkat may pinaghuhugutan sila,

ang pinaghuhugutan nila ay ang kanilang pangako sa isa’t-isa,

ang TIWALA at PAG-IBIG sa isa’t-isa.

Kaya kapag tayo ay dumaraan sa matinding pagsubok ay tignan natin lagi si Hesus.

TIGNAN NATIN ANG PINAGDAANAN NI HESUS,

NARANASAN NIYA ANG SAKIT, HIRAP AT KAMATAYAN.

HINARAP NIYA ITO DAHIL ANG PINAGHUHUGUTAN NIYA AY ANG KALOOBAN NG AMA.

KUNG TAYO AY NAHIHIRAPAN SA BUHAY AT NASUSUGATAN ANG ATING PUSO,

LAGI NATING ISIPIN NA SI HESUS AY NASUGATAN DIN,

NASUGATAN SI HESUS DAHIL SA ATING MGA KASALANAN!

KAWALAN NG KATARUNGAN!

PAMUMULITIKA!

KARAHASAN!

KORAPSYON! 

Ito ang paalala sa atin ngayon ng paggunita natin sa Linggo ng Palaspas,Marso 20, 2016

ang PALASPAS ay sagisag hindi lamang pagbabasbas o biyaya sa ating tahanan,

kundi ito ay sagisag ngPAGHIHIRAP, KAMATAYAN, at MULING PAGKABUHAY ni Hesus.

Ito ang tinatawag na PASCHAL TRIDUUM na ating gugunitain sa darating na Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria.

Sa Ebanghelyong  (Luke 23:1-49) binasa natin ngayon ay narinig natin ang PASYON NG ATING PANGINOON. Ito ang ipinapakita sa atin ng palaspas.

SA BAWAT PANGYAYARI SA ATING BUHAY; TUWA, LUNGKOT, HIRAP AT KAMATAYAN AY MERON TAYONG DAPAT PINAGHUHUGUTAN,

KAHIT TAYO AY NASUSUGATAN AT NASASAKTAN AY HUWAG TAYONG PAGHINAAN NG LOOB DAHIL KASAMA NATIN SI HESUS.

TANGING KAY HESUS LAMANG TAYO HUMUGOT NG LAKAS PARA HARAPIN ANG HAMON SA ATING BUHAY; ang TUWA, LUNGKOT, KAMATAYAN at TAGUMPAY.

Ang Palaspas na hawak natin ngayon ay simbolo na kasama natin si Hesus sa pagpasok sa Jerusalem, ang lugar ng kanyang PAGHIHIRAP, KAMATAYAN at MULING PAGKABUHAY na mangyayari sa mga araw na ito.