PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

SEMANA SANTA 2016.

 SERBISYO PA MORE!

 A Gospel Reflection on the Commemoration of the Lord’s Supper, Maundy Thursday, March 24, 2016.

 

 

 

SERBISYO PA MORE!

Ito ang slogan ni Konsehal Anton Capistrano ng Manila. Bagamat baguhan sa pulitika, naglingkod ng tatlong taon sa pagiging konseho ng Manila, ngayon ay hihirit pa. Tatakbo muli sa pagiging konseho ng Manila sa ikalawang pagkakataon sa darating na eleksyon. Hihirit pa para maglingkod sa taong bayan. Hindi lamang si Anton Capistrano ang hihirit sa ikalawang pagkakataon, kundi karamihan sa mga pulitiko ay gusto pang humirit sa ikalawa o ikatlong pagkakataon. May mga baguhan din na kandidato ang tatakbo sa darating na eleksyon para maglingkod sa taong bayan.

NGAYON PA LAMANG AY NAGPAPAMALAS NA NG PAGLILINGKOD ANG ILANG MGA BAGUHANG PULITIKO.

Ito ang dapat nating pagnilayan ngayong hapon ng Huwebes Santo, Marso 24, 2016, kung BAKIT NGA BA KAYO TATAKBO SA DARATING NA ELEKSYON AT BAKIT NINYO PAPASUKIN ANG MUNDO NG PULITIKA?

Sa Ebanghelyong (John 13:1-15) binasa natin ngayon, ipinakita ni Hesus ang halimbawa ng paglilingkod.

ANG PAGLILINGKOD NA GINAWA NI HESUS AY ANG PAGHUHUGAS NG PAA NG KANYANG MGA APOSTOLES.

BAKIT NGA BA GINAWA NI HESUS ITO?

GINAWA NIYA ITO UPANG ITURO NIYA SA ATIN NA ANG PAGLILINGKOD AY KINAKAILANGAN BUMABA TAYO SA ATING PEDESTAL.

WALANG ISANG LINGKOD NA NAKAUPO LANG AT NAGTATAGO SA KANYANG LUNGGA!

ANG ISANG LINGKOD AY LUMALABAS SA KANYANG LUNGGA PARA ABUTIN AT BUMABA SA MGA DUKHA!

Isa sa mga halimbawa at modelo ng isang naglilingkod sa bayan ay ang yumaong si Jesse Robredo. Nakita natin kay Jesse Robredo ang kanyang kababaang-loob.

KAHIT NA SIYA AY MAY POSISYON SA GOBYERNO AT MAY SARILING SASAKYAN AY NAGAWA PA NIYANG SUMAKAY NG BUS AT JEEPNEY,

MAS PINILI NIYA ANG MAKISAMA SA MGA ORDINARYONG TAO AT MAKIRAMDAM KUNG ANO ANG KANILANG SITWASYON.

Ang kanyang legacy ay ipinagpapatuloy ngayon ni Leni Robredo na isa rin kandidato sa pagiging Vice President sa darating na eleksyon.

Ito ang aral na mapupulot natin sa hapong ito.

Bilang isang lingkod ay MARUNONG TAYONG BUMABA AT MAKISALAMUHA SA MGA DUKHA,

MAKIPAMUHAY TAYO SA MGA DUKHA,

upang matupad ninyo ang inyong goal bilang public servant o leader ng ating bansa.

SEMANA SANTA 2016.