PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

SEMANA SANTA 2016.

BANGON .

A Gospel Reflection on the  Easter Vigil of the Resurrection of Our Lord, Black Saturday, March 26, 2016.

 

 

 May isa akong kaibigan na nagpost sa kanyang Facebook account tungkol sa kamatayan. 

Ang sabi niya;

“ANG PANGUNGULILA AY NAKAKAMATAY, ANG KALUNGKUTAN, GALIT AT NAG-IISA AY NAKAKAMATAY.”

Pinost niya ito sa kanyang facebook ay dahil gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay. Pinagdarasal pa niya sa Panginoon na gusto na niyang mamatay at tapusin ang kanyang buhay. Naiisip niya ito ay sapagkat sobra na siyang frustrated sa buhay, yung mga pangarap na dapat niyang maabot ay hindi niya makuha. Sa madaling salita, nabigo siya sa kanyang mga plano sa buhay.

LAHAT TAYO AY DUMADAAN SA GANITONG MGA PAGSUBOK.

HINDI NANGANGAHULUGAN NA ANG MGA PAGSUBOK NA ITO AY KATAPUSAN NA NG ATING BUHAY.

Katulad tayo ng isang ginto na dumadaan sa apoy,

na kahit matagal nang pinainit sa apoy,

ang ginto ay nanatili pa ring ginto.

Ito ang hamon sa atin ngayon sa gabing ito ng Sabado de Gloria, Marso 26, 2016, na PATATAGIN ANG ATING PANANAMPALATAYA AT MATUTO TAYONG BUMANGON MULA SA ATING PAGKADAPA.

MARAMI SA INYO KAPAG HINDI NA NAKAYANAN ANG MGA PAGSUBOK SA BUHAY,

ANO ANG GINAGAWA NINYO?

NAGPAPAKAMATAY!

GUSTO NANG TAPUSIN ANG BUHAY!

EH ALAM NINYO KAHIT MARAMING PROBLEMA AY MASARAP PA RIN MABUHAY.

Ito ang ipinapakita sa atin ng Ebanghelyo (Luke 24:1-12) ngayon, si Hesus ay dumaan sa matinding paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay na ating sinasalubong ngayon.

NILABANAN NIYA ANG KAMATAYAN,

NAPAGTAGUMPAYAN NIYA ANG KAMATAYAN.

Ito ang aral na mapupulot natin ngayon,

MATUTO TAYONG LUMABAN SA BUHAY,

HUWAG TAYONG MAGPATALO SA MGA PAGSUBOK NA DUMARATING SA BUHAY NATIN.

Habang nabubuhay tayo sa mundong ito ay TULOY PA RIN ANG LABAN NG BUHAY.

 

 

 

 

 

SEMANA SANTA 2016.