PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

KATIBAYAN..

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Resurrection of Our Lord, Easter Sunday, March 27, 2016.

 

 

 

Sa buhay natin ay marami tayong mga papeles na pinanghahawakan. Ang mga papeles na ito ay ang titulo ng lupa, birth certificate, baptismal certificate, marriage certificate, graduation certificate o diploma at marami pang mga certificate na meron tayo. Lahat ng uri ng mga certificates na ito ay maituturing natin bilang isang KATIBAYAN sa ating buhay.

Sa Ebanghelyong  (John 20:1-9) binasa natin ngayong araw na ito ng Linggo ng Pagkabuhay, Marso 27, 2016, ang mga alagad ni Hesus ay hindi makapaniwala na WALA NA SI HESUS DOON SA LIBINGAN.

HINDI NILA NAUNAWAAN ANG NILALAMAN NG BANAL NA KASULATAN.

ANG BANAL NA KASULATAN NA ITO AY SIYANG KATIBAYAN NA SI HESUS AY MULING NABUHAY SA IKATLONG ARAW MATAPOS ANG KANYANG KAMATAYAN.

ITO ANG KATIBAYAN NA ANG BUHAY NATIN AY HINDI NATAPOS  NOONG BIYERNES SANTO,

KUNG WALANG BIYERNES SANTO AY WALA ANG LINGGO NG PAGKABUHAY.

ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS  AY SIYANG KATIBAYAN NG ATING PANANAMPALATAYA,

SENTRO NG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO.

Ito ang dapat nating ipahayag sa buong mundo na si Hesus ay MULING NABUHAY at NAPAGTAGUMPAYAN ANG KAMATAYAN.

KUNG PATULOY NATING IPANGANGARAL ITO SA BUONG MUNDO,

MAS MAGIGING MATIBAY PA ANG PANANAMPALATAYA NG MGA KATOLIKO AT MAY LAKAS NG LOOB PARA HARAPIN ANG HAMON NG BUHAY.