PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

DIFFERENCE BETWEEN MERCY AND COMPASSION..

A Gospel Reflection on the 2nd Sunday of Easter, April 3, 2016.

 

 

Minsan nung nagkaroon kami ng prayer meeting sa isang Charismatic Group diyan sa New Manila, Quezon City, napag-usapan ang tungkol sa dalawang salita, ang dalawang salitang ito ay siyang nabigyan namin ng pansin; ito ay ang MERCY and COMPASSION, AWA at HABAG.

MERON BANG PINAGKAIBA SA DALAWANG SALITANG ITO?

Sa katunayan, sa pandinig po natin ay pareho lamang ang pahiwatig nito sa atin, pero magkaiba ang kahulugan nito.

When we say MERCY, it is ENTIRE POWER.

ENTIRE POWER TO SHOW OUR LOVE TO OTHERS,

OR SHOWING OUR PATIENCE TO THE SINNERS.

Halimbawa, meron kang isang kaibigan, kasamahan mo sa Community, kaklase mo, ka-trabaho mo at ka-pamilya mo, nagkasala siya sa iyo,

ANO ANG GAGAWIN MO?

ITATAKWIL MO BA SIYA?

ITUTURING MO BA SIYANG KAAWAY HABANG BUHAY?

HINDI!

DAPAT PATAWARIN MO ANG TAONG IYAN!

MAHALIN MO ANG TAONG NAGKASALA LABAN SA IYO!

Ganyan ang ipinakita ni Hesus dito sa Ebanghelyong  (John 20:19-31) binasa natin ngayong araw na ito ng 2nd Sunday of Easter, April 3, 2016, pinatawad niya ang kanyang mga alagad na nang-iwan at naglaglag sa kanya nung siya ay ipinako sa krus.

NAAWA SIYA NUNG NAKITA NIYA SI TOMAS AY NANDUDUDA SA KANYANG MULING PAGKABUHAY.

That is Mercy.

ANO NAMAN ANG COMPASSION?

When we say COMPASSION, it is a SYMPHATY.

NAKIKIRAMAY TAYO SA ATING KAPWA,

INILALAGAY NATIN ANG ATING SARILI SA SITWASYON NG IBANG TAO.

Kung babalikan natin ang buhay ng mga sinaunang kristyano, WALA SA KANILA ANG NAGHIHIRAP.

BAKIT?

SAPAGKAT LAHAT SILA AY NAGTUTULUNGAN,

KUNG SINO ANG WALA AY YUN ANG TINUTULUNGAN NILA.

Halimbawa na lang sa panahon natin ngayon, meron SEGUNDA MANA sa Caritas, nagbebenta ng mga Second Hand na gamit, ngayon ang perang kikitahin at malilikom dito ay mapupunta sa mga mahihirap.

That is Compassion.

Sa araw din ito ay ipinagdiriwang natin ang DIVINE MERCY SUNDAY, ito ay paalala na ang DIYOS AY NAGPAPATAWAD SA ATING MGA KASALANAN AT NAKIKIRAMAY SIYA SA ATING MGA PAGHIHIRAP.

ALAM NG DIYOS ANG ATING PINAGDADAANAN.

Ito lamang ang sasabihin natin sa kanya;

“JESUS, I TRUST IN YOU!

HESUS, AKO AY NANANALIG SA IYO!”