PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

BUHAY NA SALITA.

A Gospel Reflection on the 6th Sunday of Easter, May 1, 2016.

 

 

Nitong nakaraang Sabado habang ako ay naka-online sa Facebook, nakatanggap ako ng isang masamang balita, ang isa naming kasamahan sa isang Marian Group, ang CHILDREN OF MARY, ang isang dentista na iginagalang at tinitingala ng buong grupo ay PUMANAW NA. Nakakalungkot ang balitang ito sapagkat kamakailan lang ay kasama pa namin siya, tapos ngayon ay bigla na lang pumanaw. Nung ako ay nandun sa kanyang burol, patuloy naming inaalala ang mga masasayang araw na kasama namin siya. Habang binabalikan ang mga masasayang araw na iyon, ang kanyang mga salita ay patuloy na buhay sa aming puso, yung mga naiwan niyang trabaho sa grupo ay ipagpapatuloy ng ilang mga elders ng grupo.

Ang mga Salita ni Hesus ay patuloy na buhay sa atin ngayon.

NARIRINIG NATIN ANG KANYANG TINIG,

NARIRINIG NATIN ANG KANYANG MENSAHE,

NARIRINIG NATIN ANG SALITA NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO.

Ito ang ipinangako ni Hesus sa atin dito sa Ebanghelyo  (John 14:23-29) ngayong araw na ito ng 6th Sunday of Easter, May 1, 2016, ipapadala niya ang Espiritu Santo upang ITURO SA ATIN ANG TAMA, ang KATOTOHANAN.

ANG ESPIRITU SANTO AY SIYANG MAGPAPAALALA SA ATIN KUNG ANO ANG MGA GINAWA NI HESUS DITO SA LUPA NA IPINAGPAPATULOY NATIN NGAYON.

ANG PAGDIRIWANG NG MGA SAKRAMENTO NA ATING TINATANGGAP NGAYON AY GAWAIN IYAN NG ESPIRITU SANTO.

Sa panahong ito ay naghahanda na tayo sa darating na ELEKSYON.

HANGGANG NGAYON AY HINDI PA RIN TAYO MAKAPAG-DESISYON KUNG SINO ANG KANDIDATONG ILULUKLOK NATIN SA PUWESTO.

Hilingin natin ang gabay ng Espiritu Santo upang ITURO SA ATIN KUNG SINO ANG KARAPAT-DAPAT NA IHALAL NATIN SA DARATING NA ELEKSYON.