PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 CHANGE IS COMING.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Coming of the Holy Spirit,Pentecost  Sunday, May 15, 2016.

 

 

Nitong nakaraang Lunes ay ginanap ang ELEKSYON dito sa Pilipinas.

ANG ELEKSYON AY HUDYAT NG PAGPAPALIT NG LIDERATO NG ATING BANSA. 

Marahil lahat tayo ay naghahangad ng pagbabago sa ating bansa.

ILANG ELEKSYON NA ANG LUMIPAS,

ILANG KANDIDATO NA ANG NAILUKLOK SA PWESTO,

MAY PAGBABAGO BANG NANGYARI SA ATING BANSA?

Kaya nung lumitaw ang pangalan ni Rodrigo Duterte ay naging trending ito sa buong mundo.

 

Nakilala si Duterte dahil sa ipinakita niyang performance nung siya ay mayor pa ng Davao City.

Yung kanyang PLATAPORMA,

ang TUNAY NA PAGBABAGO.

ANONG KLASENG PAGBABAGO ANG GAGAWIN NI DUTERTE DITO SA PILIPINAS?

Sinabi niya sa kanyang talumpati na PAPATAYIN NIYA TAYONG LAHAT,

PAPATAYIN NIYA TAYO SA KAHIRAPAN,

PAPATAYIN NIYA ANG NAGPAPAHIRAP SA TAONG BAYAN.

Kaya ang kanyang salitang “PAPATAYIN” ay ito ang tumanim sa isipan ng mga tao.

Kaya hindi kataka-taka kung bakit ilang milyong tao ang BUMOTO KAY DUTERTE dahil ito ang hinihintay ng mga pilipino,

ang PAGBABAGO, PAGBABAGO, PAGBABAGO.

Nitong mga panahon ng kampanya ay naging matunog si Duterte sa PAGMUMURA AT PAGBABANTA SA MGA KALABAN NIYA SA PULITIKA. Ngayon matapos ang eleksyon at inihalal siya ng taong bayan ay NAGBAGO ANG KANYANG AWRA.

SI DUTERTE NA DATING NAGMUMURA AT NAGBABANTA SA MGA KALABAN NIYA SA PULITIKA,

NGAYON AY MAHINAHON NANG MAGSALITA.

At ang maganda pa sa sinabi ni Duterte ay nag-alok na siya ng RECONCILIATION sa mga kalaban niya sa pulitika.

Ang Paghalal ng taong bayan kay Duterte ay isang malaking pagbabago ang naganap sa kanya.

ANO NGAYON ANG ARAL NA MAPUPULOT NATIN DITO?

ANG PAGBABAGO AY NAGSISIMULA SA SARILI NATIN.

HINDI NATIN MABABAGO ANG MUNDO KUNG TAYO MISMO AY HINDI NAGBABAGO.

Ito ang dahilan ng pagdating ng Espiritu Santo ngayong araw na ito ng Pentecost Sunday, May 15, 2016.

Sa Ebanghelyo  (John 14:15-16,23-26) ngayon, ibinigay sa atin ni Hesus ang Espiritu Santo upang AYUSIN ANG ATING BUHAY, MAKIPAGKASUNDO SA ISA’T-ISA, MAGKAISA ANG BAWAT ISA, ITURO ANG DAANG MATUWID at higit sa lahat ay GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS.

Kapag tinanggap natin ang Espiritu Santo ay magiging INSTRUMENTO TAYO NG PAGBABAGO at MATATANGGAP NATIN ANG KANYANG MGA KALOOB.

Kaya kapag tinanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay MAIPAPAMALAS NATIN ITO SA PAGLILINGKOD AT MAGIGING INSTRUMENTO TAYO NG PAGBABAGO SA MUNDO.