PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

LEADING TO THE TRUTH.

A Gospel Reflection on the Solemnity of the Three Persons in One God,  Trinity Sunday, May 22, 2016.

 

 

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang pandaraya sa eleksyon.

May ilang mga natalong kandidato ay hindi pa rin matanggap na sila ay talo,

PINAPALABAS NA SILA AY DINAYA NG MGA KALABAN NILA.

Alam niyo po ilang araw kaming nagsagawa ng prayer vigil doon sa Headquarters nina Mar Roxas at Leni Robredo nitong mga panahon ng eleksyon. Nung gabi ng eleksyon, habang binibilang ang boto ng mga kandidato, nung alam amin na hindi makaangat si Mar Roxas sa bilang ng boto, may ilang mga supporters ni Mar Roxas ang kumakantiyaw at nagsasabing TUMAWAG NA SA MALACANANG PARA GUMAWA NG PARAAN SI P-NOY PARA IANGAT ANG BILANG NG BOTO NI MAR ROXAS. Pero ang sagot ng pamilya at kamag-anak ni Mar Roxas na HINDI NA KAILANGANG GUMAWA NG PARAAN SI P-NOY PARA BAGUHIN ANG BILANG NG BOTO NI MAR ROXAS. Dito ipinakita ni Mar Roxas na MALINIS ANG KANYANG TRABAHO AT HINDI NANDAYA SA ELEKSYON.

Ito ang KATOTOHANAN na ang LIBERAL PARTY AY HINDI NANDAYA SA ELEKSYON.

KUNG ANG KANDIDATONG IYON AY GUSTO TALAGA NG TAONG BAYAN AY HINDI TAYO MAGTATAKA NA SIYA TALAGA ANG ILULUKLOK NG TAONG BAYAN.

BAKIT?

SAPAGKAT NAKITA SA KANYA ANG PAGPAPATUPAD NG PEACE AND ORDER SA ATING BANSA AT GINAWA NIYA ITO DOON SA DAVAO.

Nung bago mag-eleksyon ay puro batikos ang ibinato kay Duterte. Ngunit nung araw mismo ng eleksyon, yung mga ayaw kay Duterte ay biglang bumaliktad at nag-iba ang ihip ng hangin.

Sa madaling salita ay BINOTO NG MILYONG PILIPINO SI DUTERTE BILANG BAGONG PANGULO NG PILIPINAS.

Iyan ang trabaho ng Espiritu Santo,

ANG ESPIRITU SANTO AY KUMILOS NUNG ARAW NG ELEKSYON AT ITINURO SA MGA TAO KUNG SINO ANG KARAPAT-DAPAT IHALAL NA KANDIDATO.

Ito ang ipinapakita sa atin ng Ebanghelyo  (John 16:12-15) sa araw na ito ng Trinity Sunday, May 22, 2016, ang Espiritu Santo ay siyang gagabay sa atin sa katotohanan, siya ang magpapaalala ng mga turo ni Kristo.

ANG ESPIRITU SANTO AY SIYANG BUNGA NG PAGMAMAHAL NG DIYOS AMA KAY HESUS,

Dito natin ngayon makikita  ang tinatawag na TRINITY.

Kaya nung BUMALIK NA SI HESUS SA KANYANG AMA ay IPINADALA NIYA SA ATIN ANG ESPIRITU SANTO upang ITURO SA ATIN ANG MATUWID NA DAAN.

ANG MATUWID NA DAAN ay ang KATOTOHANAN na itinuturo sa atin ni Hesus para TAYO AY MAKARATING SA LANGIT.