PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

MALAYANG DESISYON.

A Gospel Reflection on the 13th  Sunday in Ordinary time, June 26, 2016.

 

Sa mga susunod na araw ay masasaksihan na natin ang panunumpa ng bagong pangulo ng ating bansa. Hindi madali ang maging pinuno ng  isang bansa.

Sa katunayan, ito ay isang mahirap na desisyon,

BAKIT?

Sapagkat kung titignan natin ang sitwasyon ng isang bansa,

MAKAKAYANAN BA NG ISANG PANGULO O LIDER NA LUTASIN ANG MGA PROBLEMA NG BANSA?

Kaya ang desisyon ng isang kandidato o pulitiko ay nasa kanyang kamay,

kung SIYA BA AY TATAKBO SA POSISYON o HINDI.

Binigyan tayo ng kalayaan na magdesisyon kung TATANGGAPIN BA NATIN ITO o HINDI.

Kaya nung nakita natin si Duterte, hindi siya nagdalawang-isip na tumakbo sa pagiging pangulo ng ating bansa.

MALAYA SIYANG NAGDESISYON NA TUMAKBO SA PAGIGING PANGULO NG BANSA.

MALAYANG DESISYON para sa taong bayan na naghalal ng isang kandidatong NARARAPAT SA PUWESTO.

Sa Ebanghelyong  ( Luke 9:`51-62)  binasa natin ngayong araw na ito ng 13th Sunday in Ordinary time, June 26, 2016, ang pagsunod kay Hesus ay isang malayang desisyon.

ALAM NATING MAHIRAP ANG SUMUNOD KAY HESUS SUBALIT ANG DESISYONG ITO AY NASA ATING KAMAY.

MAHIRAP PALA ANG SUMUNOD KAY HESUS BAKIT KAILANGAN PA NATIN SIYANG SUNDAN?

ANG PAGSUNOD KAY HESUS AY ISANG BIYAYA PARA SA ATING LAHAT,

MAY BIYAYANG NAGHIHINTAY SA ATIN KAPAG TAYO AY SUMUNOD KAY HESUS.

Kaya kung TAYO AY SUSUNOD SA KANYA AY HUWAG NA TAYONG MAGPATUMPIK-TUMPIK O PALIGUY-LIGOY PA.

MARAMI SA INYO ANG HINDI SUMUSUNOD KAY HESUS AY SAPAGKAT MAY MGA ALIBAY PA KAYO SA BUHAY!

ANG DAMI NINYONG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI KAYO NAKAKASUNOD KAY HESUS!

Sa madaling salita ay nagkakaroon ngCONFLICT sa pagsunod sa Diyos.

EH KUNG GUSTO MONG SUMUNOD,

AYUSIN MO ANG BUHAY MO!

AYUSIN MO ANG SCHEDULE MO!

ALISIN MO ANG CONFLICT NA IYAN!

At higit sa lahat, ay GAWIN MONG PRIORITY ANG DIYOS.