PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

MERCY IS OUR VOCATION.

A Gospel Reflection on the 14th  Sunday in Ordinary time, July 3, 2016.

 

Marahil tayong lahat ay nag-aral, ang iba ay nakatapos na ng pag-aaral, ang iba naman ay kasalukuyang nag-aaral, ang iba din ay naghahanda para sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral at ang iba naman ay MALAYO NA ANG KANILANG NARATING.

BAKIT NGA BA TAYO NAG-AARAL NGAYON?

NAG-AARAL TAYO siyempre para magkaroon tayo ng magandang career, MARAMING PERA, of course at magamit ang kursong ating napag-aralan.

NAG-AARAL TAYO HINDI LAMANG PARA MAGKAROON TAYO NG MAGANDANG BUHAY,

NAG-AARAL TAYO AY PARA MAGBIGAY NG BUHAY SA IBA.

Sa madaling salita,

TAYO ANG MAGPAPAGANDA NG MUNDO,

BABAGUHIN ANG MUNDO,

AT HIGIT SA LAHAT, IBAHAGI ANG ATING NATUTUNAN SA LOOB NG CLASSROOM.

Sa Ebanghelyong  ( Luke 10:1-12,17-20)  binasa natin ngayong araw na ito ng 14th Sunday in Ordinary time, July 3, 2016, ipinadala ni Hesus ang 72 na katao para isabak sa isang mabigat na trabaho.

ANO ANG TRABAHONG IBINIGAY NI HESUS SA KANILA?

Ang MAG-MISYON.

Ang kanilang misyon ay IPANGARAL ANG MABUTING BALITA, MAGPAGALING NG MGA MAYSAKIT at MAGPALAYAS NG DEMONYO.

Nakita natin ngayon dito kung paano isinabak ni Hesus ang 72 na katao sa misyon matapos ang kanyang pagtuturo sa kanila. Kumbaga sa eskwelahan, matapos ang ilang taon ng pag-aaral at pananatili sa loob ng classroom, ngayon ay MAKAKAWALA na sa apat na sulok ng eskwelahan.

Ito ang tatandaan natin, sa pagharap natin sa mundo ay HUWAG NAKATAAS ANG ATING ILONG o MAGMAYABANG, panatilihin natin ang KABABAANG-LOOB at higit sa lahat, laging umiral sa atin ang AWA.