PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 KILIG PA MORE!

A Gospel Reflection on the 15th  Sunday in Ordinary time, July 10, 2016.

 

Isang taon na ang ALDUB FEVER sa telebisyon, isang taon na tayong pinakilig at pinatibok ang ating puso. Isang taon na rin tayong nakatutok sa KALYE SERYE ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Isang taon na rin natin silang napapanood sa telebisyon ang kanilang tambalan. Ngayon ay mapapanood na rin natin sila sa sine. Marahil lahat tayo ay manonood nito at pakikiligin ang ating puso.

Alam ninyo kapag tayo ay kinikilig sa isang tao lalo na sa mga POGI eh talagang NAPAPAMAHAL TAYO, 

NATUTUTO TAYONG MAGMAHAL AT PINAPAKITA NATIN ANG PARAAN NG ATING PAGMAMAHAL SA TAONG IYON.

Ang Ebanghelyong  ( Luke 10:25-37)  binasa natin sa araw na ito ng 15th Sunday in Ordinary time, July 10, 2016, ay isang hamon para sa ating lahat. Hinahamon tayo ni Hesus kung paano tayo magmahal at susundin ang batas ng Diyos.

ANG BATAS NG DIYOS AY PAG-IBIG,

AYAW NG DIYOS ANG PARUSANG KAMATAYAN,

GUSTO NG DIYOS NA TAYO AY MAGMAHAL.

PAANO NATIN MAGAGAWANG MAGMAHAL SA MGA TAONG NAGKASALA?

PAANO NATIN MAGAGAWANG MAGMAHAL SA ISANG TAONG HINDI KARAPAT-DAPAT MAHALIN?

PAANO NATIN MAGAGAWANG MAGMAHAL SA ISANG TAONG HINDI NATIN KILALA AT NAKITANG NAKAHANDUSAY DOON SA KALSADA?!!!!!!!

IYAN ANG IPINAKITA NG ISANG MABUTING SAMARITANO!

NAKITA NIYA SA KANYANG DINARAANAN ANG ISANG LALAKING DUGUAN AT NAKAHANDUSAY DOON SA LANSANGAN!

BINUHAT NIYA ITO AT DINALA SA ISANG BAHAY NA MAY TAGAPAG-ALAGA.

ANO NGAYON ANG ARAL NA MAPUPULOT NATIN DITO?

Ang PAG-IBIG ay HUWAG NATING LIMITAHAN SA MGA TAONG GUSTO NATIN gaya ng mga POGI,

ANG PAG-IBIG AY PARA SA LAHAT LALO NA SA MGA NANGANGAILANGAN NG ATING KALINGA.

Kaya kung pagninilayan ang ating ebanghelyo ngayon,

“SINO BA ANG AKING KAPWA?”

Ang KAPWA ay ang mga TAONG NAGHAHANAP NG PAGMAMAHAL.

Kung TAYO AY KINIKILIG AT TUMITIBOK ANG ATING PUSO sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza,

ganito rin ang ating attitude sa mga taong naghahanap ng pagmamahal at kalinga.

 

 

LA NAVAL DE MANILA 2016.

Ang Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA doon sa Santo Domingo Church, Quezon City ay gaganapin sa Oktubre 9, 2016, Linggo ng LA NAVAL. Sisimulan ang pagdiriwang na ito sa PAGLULUKLOK SA IMAHEN NG BIRHEN sa Setyembre 29, 2016 at susundan naman ito ng MISA NOBENARYO mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 8, 2016.

Ang Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL ay dumudulog sa inyong pagtulong para sa ating taunang pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng LA NAVAL DE MANILA.

Dalawang paraan para kayo ay makatulong:

Una, ang PAGPAPALISTA NG INYONG PANGALAN sa misa ng nobenaryo at sa araw ng dakilang kapistahan.
Pangalawa, ang pagiging LA NAVAL SOUVENIR PROGRAM DONOR. Maaari din po kayong magpadala ng mga pagbati mula sa inyong kumpanya at pamilya.

Para po sa inyong mga katanungan ay maaari po kayong magsadya sa Museo de Santo Domingo sa Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL, 537 Quezon Avenue, Quezon City.

Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Agosto 31, 2016, Miyerkules.

Nawa ay ipanalangin tayo ng ating MAHAL NA INA, BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.