PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

PERA PA MORE!

A Gospel Reflection on the 18th  Sunday in Ordinary time, July 31, 2016.

 

BAKIT BA TAYO NAGTATRABAHO O NAGNENEGOSYO?

Upang tayo ay magkaroon ng MARAMING PERA at matustusan ang ating pang araw-araw na pangangailangan.

Marahil ito ang nasa isip natin lagi, ang magkaroon ng maraming pera. Kaya ang ginagawa natin ay TRABAHO DITO TRABAHO DOON, NEGOSYO DITO NEGOSYO DOON.

KABI-KABILANG TRABAHO AT NEGOSYO.

HINDI MASAMA NA MAGKAROON TAYO NG MARAMING PERA,

ANG PERA AY BIYAYA NG DIYOS PARA SA ATING LAHAT,

IPINAGKATIWALA NIYA SA ATIN ANG BIYAYANG ITO PARA MAGAMIT NATIN ITO SA TAMA.

Sa madaling salita, TAYO AY KATIWALA LAMANG NG PANGINOON.

HINDI MASAMA NA MAGKAROON TAYO NG MARAMING PERA O YUMAMAN SA PERA,

ANG NAKAKASAMA KUNG ANG PERA AY NAKAIMBAK LAMANG AT HINDI NAPAPAKINABANGAN,

NAKATAGO LAMANG SA ISANG VAULT O BAUL.

At ang nakakatakot pa dito ang PERA ay GINAGAWANG DIYOS o SINASAMBA ANG PERA!

ANG MGA GUMAGAWA NG GANITO AY MGA GANID SA PERA!

WALANG GINAWA KUNDI MAGPARAMI NG PERA!

MAGPAYAMAN!

NAGAGALIT TAYO KAPAG NABAWASAN LANG ANG PERA AT MAY HUMIRAM SA ATIN!

ANO NGAYON ANG TAWAG SA GANYANG KLASENG TAO?

SAKIM!

GARAPAL!

MAY ARAW DIN KAYO!

Ganyan ang isinalaysay ni Hesus sa isang Parabula dito sa Ebanghelyong  ( Luke 12:13-21)  binasa natin ngayong araw na ito ng 18th Sunday in Ordinary time, July 31, 2016,

ANO ANG SINABI NI HESUS DITO?

“ANG BUHAY NG TAO AY WALA SA LAKI NG KAYAMANAN.”

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS KUNG GAANO KARAMI ANG PERA MO, ARI-ARIAN MO, MALALAKING BAHAY AT LUPA.

ANG TINITIGNAN NG DIYOS AY KUNG PAANO MO GINAMIT ANG BIYAYANG IPINAGKALOOB NIYA SA IYO.

GUSTO NG DIYOS NA ANG KAYAMANAN NATIN AY SAPAT, HUSTO AT HINDI SOBRA-SOBRA.

KAPAG SOBRA-SOBRA ANG PERA NATIN AY NATUTUKSO TAYONG MAGING KURAKOT.

KAPAG SAPAT AT HUSTO ANG ATING PERA AY NADI-DISIPLINA TAYO.

alam natin kung HAGGANG SAAN lang ang budget natin,

HANGGANG SAAN ang PERANG kakailanganin natin sa araw-araw.

 

LA NAVAL DE MANILA 2016.

Ang Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA doon sa Santo Domingo Church, Quezon City ay gaganapin sa Oktubre 9, 2016, Linggo ng LA NAVAL. Sisimulan ang pagdiriwang na ito sa PAGLULUKLOK SA IMAHEN NG BIRHEN sa Setyembre 29, 2016 at susundan naman ito ng MISA NOBENARYO mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 8, 2016.

Ang Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL ay dumudulog sa inyong pagtulong para sa ating taunang pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng LA NAVAL DE MANILA.

Dalawang paraan para kayo ay makatulong:

Una, ang PAGPAPALISTA NG INYONG PANGALAN sa misa ng nobenaryo at sa araw ng dakilang kapistahan.
Pangalawa, ang pagiging LA NAVAL SOUVENIR PROGRAM DONOR. Maaari din po kayong magpadala ng mga pagbati mula sa inyong kumpanya at pamilya.

Para po sa inyong mga katanungan ay maaari po kayong magsadya sa Museo de Santo Domingo sa Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL, 537 Quezon Avenue, Quezon City.

Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Agosto 31, 2016, Miyerkules.

Nawa ay ipanalangin tayo ng ating MAHAL NA INA, BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.