PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

INTRIGA.

A Gospel Reflection on the 20th  Sunday in Ordinary time, August 14, 2016.

 

Araw-araw ay lagi tayong nakakarinig ng mga intriga. Tila bahagi na ng buhay natin ang intriga. Sa Telebisyon ay nakakarinig tayo ng intriga tungkol sa mga artista, pulitiko at maging sa mga sikat na tao. Sa pamilya, eskwelahan, opisina, lipunan at komunidad ay may intriga din.

KAHIT SAAN MAN TAYO PUMUNTA AY LAGING MAY NAKAKABIT NA INTRIGA SA BUHAY NATIN,

PRONE TAYO NG MGA INTRIGA.

Habang tayo ay nabubuhay, hindi mawawala ang intriga.

KAHIT NGA SA SIMBAHAN AY MAY INTRIGA DIN,

MARAMI DIYAN YUNG MGA MANANG NA MAHAHABA ANG DILA,

AKALA NINYO KUNG SINONG MGA BANAL NA NAGDARASAL KUNO NG 2000 HAIL MARY’s PERO PAGKATAPOS NAMAN NITO AY PINAG-UUSAPAN NA NAMAN ANG BUHAY NG IBANG TAO.

Kaya kapag nakakarinig tayo ng mga intriga ay NABUBUWISIT TAYO!

NADI-DISAPPOINT TAYO!

NAWAWALAN TAYO NG GANA!

PINAGHIHINAAN TAYO NG LOOB!

Ito rin ang dahilan ng PAGKAKAWATAK-WATAK o PAGHAHATI-HATI.

Alam niyo po nung pinagnilayan ko ang Ebanghelyo  ( Luke 12:49-53)  sa araw na ito ng 20th Sunday in Ordinary time, August 14, 2016, ako ay medyo naintriga sa sinabi ni Hesus dito.

DARATING SI HESUS SA MUNDONG ITO HINDI PARA MAGDALA NG KAPAYAPAAN KUNDI PAGKAKAHATI-HATI O DIVISION.

BAKIT KAYA SINABI ITO NI HESUS NGAYON?

Ito ang nais ipahiwatig sa atin ni Hesus na MAGKAROON TAYO NG PRIORITY SA BUHAY.

LAGI ANG NANGUNGUNA SA PRIORITY NATIN ANG DIYOS.

Ang mga sinabi ni Hesus ngayon ay nangyayari ngayon sa buhay natin.

Halimbawa na lang po, araw ng linggo ay araw na magkasama ang buong pamilya. Sa halip na kasama mo ang iyong pamilya ay mas pinili mo ang maglingkod at dumalo sa mga gawain ng simbahan.

Kaya madalas ito ang dahilan kung bakit may CONFLICT sa pamilya,

INUUNA MUNA ANG MGA TUNGKULIN SA SIMBAHAN BAGO ANG PAMILYA.

Si Hesus ay darating dito sa mundo para dalhin ang apoy.

ANG APOY NA ITO AY SIYANG MAGNININGAS UPANG TAYO AY MAGMAHAL, MAGLINGKOD at SUMUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS.

 

LA NAVAL DE MANILA 2016.

Ang Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA doon sa Santo Domingo Church, Quezon City ay gaganapin sa Oktubre 9, 2016, Linggo ng LA NAVAL. Sisimulan ang pagdiriwang na ito sa PAGLULUKLOK SA IMAHEN NG BIRHEN sa Setyembre 29, 2016 at susundan naman ito ng MISA NOBENARYO mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 8, 2016.

Ang Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL ay dumudulog sa inyong pagtulong para sa ating taunang pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng LA NAVAL DE MANILA.

Dalawang paraan para kayo ay makatulong:

Una, ang PAGPAPALISTA NG INYONG PANGALAN sa misa ng nobenaryo at sa araw ng dakilang kapistahan.
Pangalawa, ang pagiging LA NAVAL SOUVENIR PROGRAM DONOR. Maaari din po kayong magpadala ng mga pagbati mula sa inyong kumpanya at pamilya.

Para po sa inyong mga katanungan ay maaari po kayong magsadya sa Museo de Santo Domingo sa Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL, 537 Quezon Avenue, Quezon City.

Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Agosto 31, 2016, Miyerkules.

Nawa ay ipanalangin tayo ng ating MAHAL NA INA, BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.