PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 MAKIPOT NA DAAN.

A Gospel Reflection on the 21st  Sunday in Ordinary time, August 21, 2016.

 

Kung kayo po ay dumadaan sa mga lugar ng Novaliches, mapapansin ninyo na ang mga kalsada ay masyadong makipot, maliit ang daan, maliit ang kalye. Kaya kadalasan ay nagkakaroon ng matinding trapiko, masikip na trapiko, mabagal na daloy ng trapiko. Kaya kapag nakaka-encounter ako ng ganitong matinding trapik ay NAWAWALAN AKO NG PASENSYA.

BAKIT?

Sapagkat ito ang NAKAKASIRA SA AKING MGA SCHEDULES.

Sa halip na kumita ako ng MALAKING PERA sa aking negosyo o BUSINESS TRANSACTION eh kakaunti lang ang nakukuha kong pera.

DAHIL SA TRAPIK NA IYAN AY KINAKAIN ANG MGA ORAS KO.

HINDI MARUNONG DUMISKARTE ANG MGA JEEPNEY DRIVERS!

HINDI SILA NAGHAHANAP NG ALTERNATIBONG DAAN PARA MAPADALI ANG DALOY NG TRAPIKO!

ANG TRAPIKO AY SIYANG NAGPAPASIKIP NG ATING DAAN!

HINDI TAYO AGAD NAKAKARATING SA ATING PAROROONAN!

Ngayon para makarating tayo sa ating paroroonan ay kinakailangan mag-SHORT CUT o gumawa ng alternatibong daan.

YAN ANG PARAAN NATIN EH,

GUSTO NATIN AY MADALI.

HINDI LAHAT NG DUMADAAN SA SHORTCUT o ALTERNATIBONG DAAN AY NAKAKABUTI o NAKAKARATING SA PAROROONAN,

ANG IBA AY NALILIGAW PA NG LANDAS.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO?

Kapag MINAMADALI ang lahat ay NAPAPAHAMAK TAYO.

NATUTUKSO TAYONG GUMAWA NG MASAMA!

Halimbawa na lang,

IKAW,

GUSTO MONG MAGKAROON NG MILYONG SALAPI,

HINDI KA KUNTENTO SA SAHOD MO,

ANG IBA NAMAN DIYAN AYAW MAGBANAT NG BUTO,

ANO ANG GAGAWIN MO?

MAGNANAKAW KA!

MAGBEBENTA KA NG DROGA O SHABU!

KAYA NAKITA NINYO ANG DAMING NAPAPAHAMAK NGAYON DIYAN!

DAHIL DIYAN SA MGA KAGAGUHAN NINYO AY NAPAPATAY KAYO!

OH NGAYON!

SAAN KAYO PUPULUTIN KAPAG PINATAY KAYO NI DUTERTE?!

EH KUNG MARUNONG KAYONG MAKUNTENTO,

KUNG HINDI KAYO NASASANGKOT SA MGA MASASAMANG GAWAIN,

KUNG NAGPAPAKATINO KAYO!

HINDI PA KAYO NAPAHAMAK!

 

Ito ang paalala ni Hesus dito sa ating Ebanghelyo  ( Luke 13:22-30)  ngayong araw na ito ng 21st Sunday in Ordinary time, August 21, 2016,

HINDI LAHAT AY MAKAKAPASOK SA LANGIT!

ANG MAKAKAPASOK LAMANG SA LANGIT AY ANG MGA TUMUTUPAD SA KALOOBAN NG DIYOS.

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS ANG DAMI NG KAYAMANAN AT ARI-ARIAN MO,

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS ANG DAMI NG ORGANISASYONG SINASALIHAN MO,

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS KUNG ILANG BESES KANG NAGSIMBA AT NAGDASAL NG 2000 HAIL MARY’s,

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS KUNG GAANO KARAMI ANG MGA DEBOSYON MO,

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS KUNG GAANO KALAKI ANG MGA IMAHEN NG SANTO ANG IPINAGAWA MO,

HINDI TINITIGNAN NG DIYOS KUNG ILANG BESES KANG NAGDASAL NG ROSARYO AT SUMAMA SA PRUSISYON NG LA NAVAL DOON SA SANTO DOMINGO CHURCH,

ang tinitignan ng Diyos ay kung GAANO KAHABA ANG PASENSYA MO,

KAHIT MAKIPOT MAN ANG DAAN KUNG IKAW MAN AY NAGING TAPAT SA KALOOBAN NG DIYOS AY MAKAKARATING KA SA IYONG PAROROONAN,

MAKAKAPASOK KA SA PINTUAN NG LANGIT.

 

LA NAVAL DE MANILA 2016.

Ang Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Milagrosang Imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL DE MANILA doon sa Santo Domingo Church, Quezon City ay gaganapin sa Oktubre 9, 2016, Linggo ng LA NAVAL. Sisimulan ang pagdiriwang na ito sa PAGLULUKLOK SA IMAHEN NG BIRHEN sa Setyembre 29, 2016 at susundan naman ito ng MISA NOBENARYO mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 8, 2016.

Ang Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL ay dumudulog sa inyong pagtulong para sa ating taunang pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng LA NAVAL DE MANILA.

Dalawang paraan para kayo ay makatulong:

Una, ang PAGPAPALISTA NG INYONG PANGALAN sa misa ng nobenaryo at sa araw ng dakilang kapistahan.
Pangalawa, ang pagiging LA NAVAL SOUVENIR PROGRAM DONOR. Maaari din po kayong magpadala ng mga pagbati mula sa inyong kumpanya at pamilya.

Para po sa inyong mga katanungan ay maaari po kayong magsadya sa Museo de Santo Domingo sa Santo Domingo Church – National Shrine of OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL, 537 Quezon Avenue, Quezon City.

Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Agosto 31, 2016, Miyerkules.

Nawa ay ipanalangin tayo ng ating MAHAL NA INA, BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL DE MANILA.