PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 TAMA NA, PATAWARIN NA!

A Gospel Reflection on the 24th  Sunday in Ordinary time, September 11, 2016.

 Ngayong araw na ito ng 24th Sunday in Ordinary time, September 11, 2016 ay matatawag na MARCOS DAY para sa mga Ilocano. Ngayong araw din ito ay kaarawan ng yumaong Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

SINO NGA BA SI FERDINAND MARCOS?

Sa kaalam ng lahat, bago siyang naging pangulo ay naging sundalo muna siya. At nung siya ay naging pangulo na, marami siyang nagawa dito sa Pilipinas, nagpatayo ng malalaking gusali, tulay, light rail transit o LRT at nagpagawa ng mga kalsada.

Nung panahon ng kanyang panunungkulan ay maraming mga pagsubok ang hinarap ng Pilipinas. Isa sa mga pagsubok na ito ay ang MARTIAL LAW. 

Kung sa panahon ngayon ni Pangulong Duterte ay mahigpit na ipinapatupad ang CURFEW HOUR,

mas mahigpit pa noong kapanahunan ni Marcos.

Kaya maraming mga nagagalit kay Marcos noon dahil sa MAPAIT na sinapit ng Martial Law.

Ngayon WALA NA SI MARCOS,

pero NANATILI PA RIN ANG GALIT NG MGA PILIPINO SA DIKTADURANG MARCOS!

ANG NAKAKALUNGKOT LAMANG DITO,

MATAGAL NANG PUMANAW SI MARCOS HANGGANG NGAYON AY HINDI PA RIN SIYA MAPATAWAD NG MGA PILIPINO!

KAHIT ANG PAGPAPALIBING SA KANYA SA LIBINGAN NG MGA BAYANI AY TINUTUTULAN NG MGA PILIPINO!

HINDI PA RIN MAWALA ANG GALIT NG MGA PILIPINO SA DIKTADURANG MARCOS!

KUNG AKO ANG TATANUNGIN NINYO KUNG SAAN DAPAT ILIBING SI MARCOS,

EH BAHALA KAYO KUNG SAAN NINYO SIYANG GUSTONG ILIBING,

KUNG GUSTO NINYONG ILIBING SIYA SA ILOCOS,

DOON NIYO SIYA ILIBING.

KUNG GUSTO NIYO NAMAN ILIBING SIYA SA LIBINGAN NG MGA BAYANI,

DOON NINYO SIYA ILIBING.

ANG PUNTO KO LAMANG DITO,

HINDI PA RIN NAWAWALA ANG GALIT KAY MARCOS!

MATAGAL NANG NANGYARI ANG MARTIAL LAW!

MATAGAL NANG PUMANAW SI MARCOS!

TAMA NA!

SOBRA NA!

PATAWARIN NA SI MARCOS!

PAGPAPATAWAD, ito ang laman ng ating Ebanghelyong  ( Luke 15:1-32) ngayon.

Kapag tayo ay nagkasala at bumabagsak sa kasalanan ay NAWAWALA TAYO, 

NASISIRA ANG ATING RELASYON SA DIYOS.

PAANO NATIN MAIBABALIK ANG NASIRANG UGNAYAN SA DIYOS?

Kinakailangan TAYO AY HUMINGI NG KAPATAWARAN SA DIYOS.

KAYA ITINATAG ANG SAKRAMENTO NG KUMPISAL AY PARA DOON IGAWAD SA ATIN ANG KAPATAWARAN NG DIYOS.

DI BA TAYO NAPAPAGOD SA PAGGAWA NATIN NG KASALANAN?!

HINDI BA TAYO NAPAPAGOD SA PAGLABAG NATIN SA KALOOBAN NG DIYOS?!

TAYO NGAYON AY HINAHANAP NA NG DIYOS,

tayo ngayon ay TINATAWAG NA NIYA upang BUMALIK NA TAYO SA KANYA.