PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

ANG PAG-IBIG AY PAGSUKO.

A Gospel Reflection on the 25th  Sunday in Ordinary time, September 18, 2016.

 Marahil lahat tayo o ang ilan sa atin ay NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG.

NAMAMANGKA,

ibig sabihin,

yung BUHAY NA TINATAHAK natin sa mundong ito,

yung LANDAS NA ATING DINARAANAN sa mundong ito.

Halimbawa, sa mga lalaki alam natin na matinik sa chix.

HINDI MAKUNTENTO SA ISANG BABAE,

KINAKAILANGAN MAGHANAP PA NG IBA O MAGPARAMI NG BABAE SA BUHAY NIYA.

Kaya kadalasan kapag ganito ang lifestyle ni lalaki ay HINDI NAGWO-WORK OUT ANG RELATIONSHIP,

WALANG PATUTUNGUHAN ANG KANILANG RELASYON.

Kaya mahirap din ang mamangka sa dalawang ilog.

KAPAG NAMANGKA TAYO SA DALAWANG ILOG AY WALANG PATUTUNGUHAN ANG BUHAY NATIN,

MAGULO,

WALANG DIREKSYON.

Ito ang sinasabi ni Hesus dito sa Ebanghelyong  ( Luke 16:1-13) binasa natin ngayong araw na ito ng  25th Sunday in Ordinary time, September 18, 2016;

“NO SERVANT CAN SERVE TWO MASTERS AT THE SAME TIME.”

KAYONG MGA LALAKI,

NAKIKIPAGRELASYON KAYO SA BABAE,

THAT IS A COMMITMENT.

RELATIONSHIP IS A COMMITMENT NOT SEXUAL ATTRACTION.

MADALAS ITO ANG MALING INTERPRETASYON TUNGKOL SA PAG-IBIG.

KAYA MO BA INIIBIG ANG ISANG TAO AY DAHIL POGI SIYA, MAGANDA ANG KATAWAN NIYA?

KAPAG NAPAGSAWAAN MO NA SIYA AY MAGHAHANAP KA NG IBA!

IYAN ANG MALING PAGKAKAMALI NINYO!!!!!!

ANG PAG-IBIG AY PAGSUKO SA ISA’T-ISA.

Ganun din sa relasyon natin sa Diyos.

HINDI NATIN PWEDENG PAGLINGKURAN O PAGSABAYIN ANG DALAWANG BAGAY;

ANG DIYOS AT ANG PERA.

UNAHIN NATIN LAGI ANG DIYOS!

PANGALAWA NA ANG PERA!

ANG IBA SA INYO KAYA PUMUPUNTA SA PRAYER MEETINGS NG IBA’T-IBANG COMMUNITIES PARA MAGNEGOSYO AT MAGHANAP NG TAONG PAGBEBENTAHAN NG INYONG PRODUKTO!

KUNG PUPUNTA KAYO SA PRAYER MEETING AY UNAHIN NINYO MUNA ANG DIYOS!

ILAAN NIYO MUNA ANG INYONG ORAS PARA SA DIYOS!

IBIGAY MO MUNA ANG IYONG SARILI SA DIYOS!

Ito yung tinatawag na PAGSUKO.

Ako nga bago sumabak sa negosyo ay nagdarasal muna ako ng ROSARYO sa harapan ng milagrosang imahen ng OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church.

ISINUSUKO KO SA KANYA ANG AKING SARILI AT NEGOSYO.

Alam po ninyo kapag hinayaan nating MANGUNA ANG DIYOS SA BUHAY NATIN AT SA ATING NEGOSYO AY PAGPAPALAIN NIYA ANG ATING NEGOSYO.

MALAKING PERA ang BABALIK sa atin kapag INUNA natin ang DIYOS.

Ang Negosyong ating hinahawakan at pinapatakbo ngayon,

ang PERANG pumapasok sa atin ngayon,

ang mga ito ay GALING SA DIYOS at ito ay IPINAGKATIWALA NIYA SA ATIN.