PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

LIGAW.

A Gospel Reflection on the 29th  Sunday in Ordinary time, October 16, 2016.

 Marahil ang ilan sa inyo ngayon ay may nililigawang lalaki o babae.

PAANO BA KAYONG MANLIGAW SA ISANG TAONG GUSTO NINYO?

Siyempre nangungulit kayo,

ilang beses ninyong binibigyan ng bulaklak at tsokolate para lamang mapasagot kayo,

lahat ng mga ito ay pamamaraan para MAHULOG ang loob nila sa inyo at MAPASAINYO ang taong ibig ninyong mahalin.

Sa ating relasyon sa Diyos,

PAANO TAYO NANGUNGULIT SA KANYA PARA MAKAMIT NATIN ANG ATING HINIHILING SA KANYA?

Ganyan ang ipinakita ng isang babaeng balo dito sa Ebanghelyong  ( Luke 18:1-8) binasa natin ngayong araw na ito ng  29th Sunday in Ordinary time, October 16, 2016.

ANO ANG GINAWA NG BABAENG BALO DITO?

Lumapit siya sa isang taga-hukom o judge para ibigay ang nararapat para sa kanya.

Dahil sa pangungulit ng babaeng balong ito ay NAAWA sa kanya ang hukom at ibinigay na ang nararapat para sa kanya.

ANO NGAYON ANG ARAL NA NAPULOT NATIN DITO?

PERSEVERANCE.

Kinakailangan MAGKAROON TAYO NG PAGTIYATIYAGA SA PANALANGIN.

KUNG HINDI AGAD NAIBIGAY NGAYON ANG HINIHILING MO AY HUWAG KANG SUSUKO,

TULOY PA RIN ANG PANALANGIN,

KAHIT ILANG BUWAN O TAON KANG MAGHINTAY PARA MAKUHA ANG GUSTO MO,

TULOY PA RIN ANG PANALANGIN.

Nitong nakaraang linggo ay ipinagdiwang natin ang Dakilang Kapistahan ng LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church.

Marahil ang lahat ng mga deboto ng LA NAVAL ay may mga kanya-kanyang kahilingang itinaas sa milagrosang imahen ng BIRHEN NG ROSARYO NG LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church.

TAYONG MGA DEBOTO NG LA NAVAL ay nagsisilbing halimbawa ng may PAGTIYATIYAGA SA PANALANGIN.

Kaya IPAGPATULOY NATIN ANG ATING PAMAMANATA SA IMAHEN NG OUR LADY OF THE ROSARY OF LA NAVAL doon sa Santo Domingo Church taun-taon hanggang sa huling hininga ng ating buhay.