PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 THE LIVING SAINT.

A Gospel Reflection on the Solemnity of All Saints,  Tuesday, November 1, 2016.

 SINO SA ATIN ANG NANGANGARAP NA MAGING SANTO?

LAHAT TAYO ay nangangarap na maging SANTO.

PAANO BA NATIN MAAABOT ANG GOAL NA IYON?

NGAYON PA LANG BUHAY PA TAYO ay pwede na tayong MAGING SANTO.

Hindi madali ang maging santo. Sa katunayan ay mahirap ang maging santo.

PAANO BA TAYO MAGIGING SANTO O MAGPAPAKASANTO?

HINDI LAMANG SA MGA GINAGAWA NATING RITUWAL SA SIMBAHAN O ANUMANG DEBOSYON NA GINAGAWA NATIN,

ANG PAGIGING SANTO AY MAKIKITA SA ATIN KUNG PAANO TAYO MAKAKASUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS.

Kung titignan natin ang mga santo ngayon, mahirap at katakut-takot ang kanilang pinagdaanan.

KAHIT SA KABILA NG MGA KATAKUT-TAKOT NA PAGHIHIRAP ANG KANILANG HINARAP AY NANATILI PA RIN SILANG TAPAT SA DIYOS,

PATULOY PA RIN SILANG NAGSIKAP NA SUMUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS.

Sa panahon natin ngayon,

PAANO BA TAYO MAGPAPAKASANTO?

Tayo ngayon ay nagdiriwang ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy. Sa pagkakataong ito ay pairalin natin ang AWA at HABAG ng Diyos.

Tulad ni St Mother Teresa ng Calcutta, ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pagmamalasakit sa mga dukha, maysakit at malapit nang mamatay,

kaya siya tinawag na the LIVING SAINT nung siya ay nabubuhay pa.

Kung TAYO AY MAAWAIN SA ATING KAPWA AT NANATILING TAPAT SA PANGINOON,

ito ang gantimpalang ibibigay sa atin ng Panginoon.

Sa Ebanghelyong  ( Matthew 5:1-12) binasa natin ngayong araw na ito ng  Martes ng Kapistahan ng Lahat ng mga Banal, Nobyembre 1, 2016, tayo ngayon ay tatawagin ni Hesus na MAPALAD.

MAPALAD TAYO SAPAGKAT NANATILI TAYONG TAPAT SA PANGINOON SA KABILA NG PAGHIHIRAP NA ATING HINARAP,

MAPALAD TAYO SAPAGKAT NAGING MAAWAIN TAYO AT INSTRUMENTO NG AWA NG DIYOS.