PRAYER FOR PRIESTS.

Divine Saviour, Jesus Christ, who have entrusted your work of redemption to the priests, who take your place on earth. I offer you, through the hands of your most holy mother for the sanctification of your priests and future priests this whole day, all my prayers, works, joys, sacrifices and sufferings. Give us saintly priests. Grant to them apostolic hearts, filled with love for you and all the souls belonging to you, so that, being themselves sanctified in you, they may sanctify us who are entrusted to their care and bring us safely into heaven.  Loving Jesus, bless all their prayers and words at the altar and in the confessional, in the pulpit, in the school and at the sickbed. Call many young men to the priesthood and monastic life. Protect and sanctify all who will become your priests. And grant to the souls of the priests who have departed this life, eternal rest. And to you, Mary, Mother of all priests, take them under your special protection and lead them ever to the highest priestly sanctity. Amen.  

SHARING IN THE NET

proudly presents

 UNEXPECTING EVENTS.

A Gospel Reflection on the 1st Sunday of Advent, November 27, 2016.

 

 Kadalasan sa buhay ay nakaka-encounter tayo ng tinatawag na “UNEXPECTING EVENTS.” Ito yung mga pangyayaring hindi nating inaasahan. May mga bagay tayong pinaghandaan o pinagplanuhan na yun sana ang inaasahang mangyari sa buhay natin, subalit ang mga nangyayari sa buhay natin ay HINDI TUGMA SA ATING PLANO.

Kaya madalas kapag hindi nagtutugma ang mga pangyayari sa ating plano ay nagkakaroon tayo ng FRUSTRATIONS.

ANG GUSTO NATIN AY MANGYARI ANG ATING PLANO.

Sa panahong ito ay marami ang kumukuha ng board exam. Ngayong araw na ito ay huling linggo ng Bar Exam dito sa UST at marami ang nag-eexpect na lahat sila ay MAKAPASA SA BOARD EXAM.

Kapag nakapasa sila sa BAR o BOARD EXAM, 

PRAISE THE LORD!

Eh kapag hindi ka naman nakapasa ,

FRUSTRATION!

Sa Negosyo, araw-araw ay nag-eexpect tayo na magiging malakas ang benta natin at MALAKING PERA ANG PAPASOK SA ATIN araw-araw.

Kapag malakas ang benta at sunud-sunod ang pasok ng pera,

PRAISE THE LORD!

Eh kapag mahina naman ang benta at matumal ang pasok ng pera, hindi umabot sa target na pera at WALANG BENTA,

FRUSTRATION!

Iyan ang tinatawag na UNEXPECTING EVENT.

NANGYAYARI ANG HINDI NATING INAASAHAN SA BUHAY.

Sa Ebanghelyong  ( Matthew 24:37-44) binasa natin ngayong araw na ito ng  1st Sunday of Advent, November 27, 2016, UNEXPECTING EVENT ang naganap nung panahon ni Noe. 

NAGANAP ANG ISANG MALAKING PAGBAHA,

eh mabuti na lang si Noe ay nagpunta doon sa Arko.

ANO NGAYON ANG IPINAHIHIWATIG SA ATIN NG EBANGHELYO NGAYON?

PAGHAHANDA.

Kinakailangan ay maging HANDA TAYO sa mga pangyayaring HINDI NATING INAASAHAN gaya na lamang ng mga SAKUNA, KALAMIDAD at KAMATAYAN.

ANG BUHAY AY HINDI NATING MASASABI KUNG HANGGANG KAILAN TAYO SA MUNDONG ITO.

Ang mga ganitong pangyayari ay maihahalintulad natin sa pagdating ng Panginoon.

Ang KANYANG PAGDATING ay HINDI NATING INAASAHAN kung kailan ito magaganap.

Kaya mahalaga sa panahong ito ng Adbiyento, tayo ay laging handa.

MAGING HANDA TAYO SA MGA PANGYAYARING HINDI NATING INAASAHAN SA BUHAY.